CHAPTER:1

1265 Words
“Ma’am,pinapatawag n'yo daw po ako!”Tanong ko agad sa boss namin dito sa department kung saan ay ako din ang madalas ipatawag nito. “Yes! Miss.Clarkson pinatawag kita para kausapin at ibigay ang project na gustong kong magawan mo agad ng report.” Kinuha ko naman ang iniabot nito na gusto n'yang gawan ko ng report,at nagulat ako sa nabasa kong pangalan. “Mr.Sebastian Clyde Fernandez Ferrer!” Pagbasa ko sa pangalan ng lalaking aking kinalimutan na at itinatak ko na din sa aking isipan na wala na ito at matagal ng patay,dahil sa mga nagawa nito noon sa akin. “Yes! Miss,s'ya nga at nais ko na sana ay makuha mo lahat ng detalye sa buhay n'ya….Dahil magiging magandang scoop ito sa atin kung makukuha natin ang lahat ng tungkol sa kinikilala ngayon na sa larangan ng business world,ang multimillionaire na si Mr.Sebastian,at take note Miss Clarkson kaya ko gusto na makuha mo ang lahat ng tungkol sa kanya ay dahil wala pang nakakagawa nito…At gusto ko tayo ang kauna-unahang makakakuha ng publicity n'ya at para maifeatured natin sa susunod na gagawin natin na article na t’yak kong tatangkilin ng masa!” Nakangiting wika sa akin ng Boss ko na si Madam Lofea na para bang kapag humindi ka sa mga iniutos nito sayo ngayon ay magbabago agad ang mood nito,dahil sa halos sampung taon ko na patratrabaho dito bilang isang journalist eporter ay alam na alam ko na ang ugali ng aking boss,kaya naman ngayon ay tila wala akong choice kung hindi ang tanggapin ang project na gusto nitong gawin ng team ko. “Kaya go Miss Clarkson gumawa ka ng paraan para makuha ang simpatya n'ya na alam kong magagawa mo!” Wika pa nitong muli na tila ba excited at alam kasi nito na ni minsan ay hindi pa ako pumalpak sa mga project na pinapagawa nito sa akin. Kaya naman kahit ayaw kong tanggapin ang pinapagawa nito ay kailangan,para din naman ito sa team ko at kapag nagawa namin ito ay tiyak din na lalong sisikat ang publishing company ng boss namin. “Hey! Miss Clarkson, tinatanggap mo na ang project na ito?” Tanong pa nito sa akin na para bang may choice naman akong humindi sa tono ng pagtatanong kasi nito ay kailangan lamang ang maging sagot mo ay oo. “Opo tinatanggap ko ma'am at gagawin po ng aking team ang lahat para maging maayos ang article na ito na gusto mong gawin namin.”Sagot ko na lamang dito na para bang ang aking iniisip na lamang ngayon ay ang kapakanan ng aking team na kahit pa ayaw kong gawin sana ito ay wala din magagawa ang pag-ayaw ko dahil sa aking pagkakakilala sa boss namin ay malabong tigilan ako nito para gawin ito. Kaya para hindi na humaba ang usapan ay tinanggap ko na lamang. “Very good answer! Miss.Clarkson kaya sayo ko ibinigay ang project na ito,dahil alam kong palaban ka at walang inuurungan!” Sabi pa nito habang pumapalakpak na animo nanalo na ito sa lotto sa ngiti na nakapaskil sa labi nito. “Wala na po ba kayong sasabihin ma'am para mainform ko ang aking team tungkol dito sa ating napag-usapan.” Tanong ko dito. “Wala na Miss Clarkson! Maari ka ng lumabas at imeeting din ang team mo,magpunta ka na lamang sa akin para sa mga kakailanganin mo.” Sagot nito sa akin.Kaya naman tumayo na ako at muling nagpaalam dito. Habang papunta sa pintuan ay tila ba gusto ko ng bawiin ang pagsang-ayon ko sa pinapagawa nito,dahil sa aking pakiramdam ay tila ba dadaan ako sa matinding gyera dahil sa aking pagtanggap sa project na ito. Nang makalabas ako ng opisina ng boss namin ay dumiretso na ako sa department namin kung saan ay nandoon na din ang aking buong team at naghihintay na pala sa akin at alam kong excited ang mga ito sa ibabalita ko sa kanila bilang team leader din kasi nila ay aking obligasyon din na mapanatiling nasa ayos ang lahat. Kung tutuusin ay napakadami kong trabaho dito kaya nga palagi na lamang ako ang pinapatawag ng boss namin para kausapin at mabuti na lamang at nagagawa ko naman ng maayos ang trabaho na iniatang na nila sa akin. Kaya minsan ang ibang team ay naiinggit na sa amin,dahil palagi na lamang daw kami ang top priority ng kompanya. Hindi ko din naman kasalanan kung tamad sila sa mga research na pinapagawa sa kanila kaya kadalasan ay kami ng team ko ang pinapagawa ng mga ito. Dahil tulad nga ng sinabi kanina ng boss ko ay wala akong inaatrasan. Ang pagiging journalisteporter/team leader ng grupo namin ay hindi lang naman puro laptop at gadgets ang hawak ko. Kung kinakailangan na puntahan namin ang mga site na pinaparesearch sa amin para maging matagumpay ang isang article ay aming ginagawa ng buong team kaya naman nagagawa namin ng mas maayos ang mga trabaho. Hindi kami katulad ng ibang kasamahan namin sa kompanya na tamang research lang at hindi na aalamin kung ano at bakit iyon ang pinapagawa sa kanila. Kaya hindi ko din masisi ang boss namin kung bakit palagi nalang kami ang kinukuha nito. “Good news ba ang pagpapatawag sayo ni ma'am Besshyyy ko?”Tanong agad sa akin ni Mikee ang aking bestfriend na ubod ng hyper na akalain mong nagshift pa ng kurso n'yang nursing noong college kami para kumuha din ng kurso ko na AB journalism na apat na taon ko din na ginugol ang aking sarili para matapos ko ito ng may mataas na grado na aking napagtagumpayan din naman kasama nga ang bestfriend ko. “Pwede ba, beshy manahimik ka muna,dahil rinig na rinig ang boses mo hanggang kabilang departamento.”Wika ko dito na ikinatawa naman ng aming buong team,nasanay na ata sila sa amin ng aking bestfriend. “Excited lang naman ako besh sa sasabihin mo sa amin.” Nakangiting sabi pa din nito sa akin. “Good news nga ito dahil may project na naman tayong kailangan gawin at syempre lahat kayo ay kailangan ko para dito….Una ay ipapadala ko muna ang iba sa inyo para kausapin si Mr Sebastian Clyde Fernandez Ferrer para kausapin ito na kung maari ba natin s'yang makapanayam,,at ang iba naman ay alam nyo na din ang magiging trabaho n'yo…Ganoon pa din katulad ng dati ay kapag hindi pumayag sa inyo ay ako na mismo ang gagawa ng paraan para makausap natin s'ya naiintindihan n'yo ba!?” Mahabang paliwanag ko sa kanila na hinihintay kong ang reaction ng bestfriend ko. “Seryoso ba ito Besshyyy ko si Seb ang susunod na gagawan natin ng article!? At my god seryoso ka din ba na tinanggap mo ito?”Tanong pa sa akin ng aking bestfriend na tila hindi makapaniwala na totoo ang narinig nya na pangalan na aking binanggit. “Besh,pwede ba mamaya mo na lamang ako tanungin ng ganyan kapag tayo na lamang dalawa magkasama.” Pabulong na pagkakasabi ko dito. “Sorry!”Sabay peace sign na lamang nito sa akin na ikinailing ko na lamang dahil sa kakulitan nga nito minsan ay napapahamak kami. “Okay team,bukas ay mag-uumpisa na tayo at ikaw Louise ay magpadala na ng letter of appointment para sa secretary ni Mr Ferrer ng sa gayon ay magkaroon tayo ng appointment sa kanya,kaya muna siguro iyon?” Sabi ko sa isa sa aking kateam na maasahan. Lahat naman sila ay maasahan ko kaya nga aking inilalagay sila sa mga kaya nilang gawin na isa din sa nakapagpapagaan ng trabaho ng bawat isa sa amin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD