Habang nakaupo ngayon sa aking kama ay inalala ko ang panahon ng unang makita ko ito. Masasabi kong hindi ito ang babaeng matitipuhan ko dahil sa physical appearance nito. FLASHBACKS COLLEGE DAYS. Naglalakad ako ngayon sa corridor ng campus ng makabangga ako ng isang babae,kaya nagkalat ang mga kagamitan nito. Agad kong pinulot isa-isa ang mga kagamitan nito. Nang tingnan ko na kung sino ito ay walang iba kundi ang babaeng nais ng aking mga kaibigan na aking paibigin at iwanan kapalit ng isang sports car at tumataginting na isang milyon. Sa yaman ng mga kaibigan ko ay kayang kaya nila itong ibigay sa akin lahat Kaya naman tinanggap ko ang nais nilang aking gawin. Paibigan ang mailap na si Natalya Marie Batungbakal. Paano ba naman kasi ito hindi magiging mailap ito. Balita ko kas

