Habang humihigop ng kape ay nakatingin naman sa akin ang lalaking ito. “Lyca pwede bang ipagtimpla mo din ako ng kape!” Utos ni Seb sa kanyang secretary na Lyca pala ang name. “Yes,sir wait lang po at igagawo kita.”Sagot ni Lyca dito na nakatingin pa din sa akin. Ngumiti na lamang ako kay miss Lyca. Lumabas naman na ito para ipagtimpla ang boss niya. Hindi ko na din inubos pa ang aking iniinom at nagpaalam na din agad sa lalaking ito na kung makatitig ay para bang inaarok nito ang aking pagkatao. Alam ko naman hindi na nito basta basta malalaman na ang ex girlfriend niya noon na ginago lamang at ako ay iisa lamang ,napakalayo na ng hitsura ko noon kumpara ngayon na masasabi ko sa mundo na aking ginagalawan ngayon ay isa din naman ako sa mga tinitingala pagdating sa physical appearanc

