Habang basa byahe kami ni Seb ay tahimik na lamang akong nagmamasid sa lalaking kasama ko ngayon. Bandang alas-dose ng tanghali ng tumigil muna ito sa isang restaurant. “Anong ginagawa natin dito?” Tanong ko pa dito. “Malamang kakain tayo Miss Clarkson,dahil malayo pa ang magiging byahe natin lalo pa at traffic kanina ay tinanghali na tayo,ayaw ko naman na isipin mo na hindi man lang kita pinakain di ba!”Sabi pa nito sa akin habang tinatanggal ang kanyang seatbelt. “Hindi naman ako nagugutom kaya okay lang kahit hindi na muna ta….” Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin ng tumunog ang aking tiyan. “Hindi ka pala gutom ng lagay na iyan.” Nakangisi na tanong pa nito sa akin. “Halika,huwag kang mag-alala dahil treat ko naman itong lunch natin,” dugtong pa nito sa kanyang sinabi. Wala

