Makalipas ang dalawang araw mula ng pumunta kami sa farm ay heto na kami papunta na sa Batangas sa pinakamalaking planta ni Seb. Kasama ko ngayon sa isang kotse si Seb at ang aking buong team naman ay nakasunod sa amin, hindi ko din kasama ngayon si Mikee dahil may kailangan pa na itong asikasuhin. Mukhang desidido itong makuha din ang interview ng isa sa kinikilalang halal na mayor ng bayan ng Santa Elena. Ibang klase din klase din kasi kung magbigay ng project sa amin si Madam Lofea iyong tipo talagang lahat ay kakayanin namin na ibigay para lamang talaga makuha ang nais nitong scoop na makukuha namin. Sa lahat naman ng ibinigay nito sa aking project ay lahat naman ito ay matagumpay kong nagawa at ng aking team at mukhang ngayon ay si Mikee ay hinuhubog na din nito ang galing sa pa

