Kabanata 182 Tristan’s POV Matagal na simula noong huli naming pag-uusap ni Lee, sinadya ko talagang hindi na muna makikipag-communicate sa kanya, laging nakapatay ang phone ko, pati social media accounts ko na gamit ko parati ay hindi ko na rin binubuksan. Inilalayo ko muna ang sarili ko sa kaibigan. Wala rin akong sinabi sa kanya, pero alam ko naman na hindi niya ako masyadong mapapansin na hindi nagpaparamdam sa kanya, kasi nga pareho naman kaming busy sa pag-aaral. Ang pagkakaiba lang namin, nagpasya akong hindi magparamdam, dahil nga si Kuya Stanley ay mukhang nakahahalata na na nakikipag-usap at nakikipaglapit ako sa rati kong kaibigan. Habang maaga pa, inilayo ko muna ang sarili ko kay Lee. “Sigurado ka bang hindi ka sasama sa akin sa apartment

