Kabanata 160 Lumier’s POV Pinagsabihan ako ng tatlong nagbabantay sa akin na bawal magsalita kapag nandoon sa hapag, saka piniringan din nila ako dahil iyon daw ang pinag-uutos ng boss nila. Mabuti na nga lang at naitago ko kaagad ang phone ko. Sana naman at na-locate nila ako kung sino man ang tumawag sa akin. Wala rin naman akong naririnig na boses sa kabilang linya. Kaya naisip kong wala nga iyong plano makipag-usap sa akin, kung ‘di ang i-trace lamang ang lokasyon ko ngayon. Pero sana naman tama ang iniisip ko. Muntikan pa akong matumba nang mapatid ako ng isang paa nitong umaalalay sa akin. Kung ‘di nga lang tanga, sino ba naman ang nakakakita sa amin. Tsk. Minsan talaga sarap pagpupukpokin sa ulo nitong mga ito. Pero dapat kalma lang ako, kukuni

