Kabanata 139 Ella’s POV “Kailangan nating malaman kung sino talaga siya, Lumier. Baka anong gawin niya gamit ang mukha ko.” Nag-aalala na talaga ako, habang lumilipas ang mga araw na hindi namin alam kung sino iyong sinasabi ni Lumier na kamukha ko. Hindi ako napapanatag, parang sa isang iglap lang ay may gagawin ang babaeng iyon sa mga taong mahal ko, o kaya sa akin. “I will do my best, Lala. Stay pu---bakit? Anong nangyari?” “Wait lang, may tao sa labas, out ko muna.” Hindi ko na muna hinintay na makapagsalita si Lumier, kaagad kong pinatay ang tawagan namin sa laptop. At hinayaan ko lang iyon na nakabukas, hindi ko naisip na ang desktop cover ko pala ay ang logo ng LIT. Mas lalo akong kinabahan nang si Harvey ang pumasok

