Kabanata 130 Lee’s POV Umuwi na kami ni Kuya sa bahay, si dad naman ay nagpaiwan na muna sa hideout, susunod na lang daw siya maya-maya lang. Nag-uusap naman kami ni kuya sa loob ng sasakyan, dumaan na rin muna kami sa isang fastfood at nag-take out ng makakain, sa bahay na lang kami kakain, para mabigyan din namin si mama mamaya. Nang ilang minuto lang na biyahe ay nakarating na kami sa garahe, nauna na akong pumasok ng bahay dala ang mga pagkain. Hindi ko namalayan si mama na nasa gilid lang pala ng pintuan, nabitiwan ko ang dala-dalang plastic bags nang pabigla-bigla akong hablutin ni mama sa braso. “Ma?” iyon lamang ang naisalita ko nang nabigla ako sa ginawa ni mama sa akin. Dinala niya ako sa silid ko, hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa bilis ng pagkaladkad

