Kabanata 172 Lee’s POV “Hoy! Kayong dalawa, pwede bang tigilan niyo na muna iyang paglalaro ninyo? Tara nga muna baba at mag-foodtrip tayo.” Lapit ni Marie sa dalawa at pinagkukuha ang mga suot nilang headphone sa ulo. “Ang kill-joy mo naman, Marie.” “Anong kill-joy! Batukan kita riyan, e.” sabay taas pa nito ng kamay at handa nang mambatok kay Alex na kaagad namang pinigilan ang kamay ni Marie. Natatawa naman kami ni Harold sa reaksiyon ng kaibigan. “Nagbibiro lang, e.” “Hindi ako nagbibiro.” Sabay irap pa nito at lumayo na sa harap ni Alex. “Teka nga pala, mag-fo-foodtrip? E, kakakain lang natin kanina ah,” “Gago! Anong oras na, ayan kasi puro laro ang inaatu

