Kabanata 158 Ella’s POV Nawalan yata ako ng malay kanina nang pinilit akong ipasakay ng mga dumukot sa akin sa Mall. Kaya nang ngayong nagising ako, hindi ko gaanong maumulat ang mga mata ko dahil sa sumasakit ang dalawang mata ko kapag nasisinagan ng liwanag. Kaya nagyuko na muna ako’t pilit inaabot ang mga mata, pero hindi ko magawa dahil nakagatali ang dalawa kong kamay sa aking likuran. Iminulat-mulat ang mata hanggang sa naka-recover na ito sa kaninang ilang oras na paglagay ng piring sa akin. Maliwanag ang buong paligid, kahit na nakayuko pa rin ako, hindi maitatanggi na ang linis ng sahig. Marmol pa ang sahig na may maabong kulay. Dahan-dahan kong iniangat ang aking ulo at sinimulan nang sinuyod ang buong espasyo. Pinakasimula sa m

