Kabanata 132 Lee’s POV Palihim akong nagulat sa kompirmasyong aking nalaman, kay liit ng mundo talaga. Hindi ko lubosang maisip na nasa paligid ko lang pala ang mga magiging daan sa mga kasong aming kinakaharap ngayon. Pero bakit kaya magkakasama sa larawang iyon sina Mr. Robles na aming principal, si Mr. Nuevo na ama ni Tristan at Kuya Stanley, si Mr. Vasquez na ama ni Ate Niknik, at si Mr. Dizon na ama ni Marie, pero may nakakatandang kapatid rin pala si Marie, at kaedad pa ni Kuya. Ibig sabihin ba nito, magkakilala ang mga nasa larawan at sino naman ang isang iyon? Hindi ko talaga kilala, pero pamilyar ang mukha niya. Hindi ko lang gaanong matitigan, kasi nga hindi na bago ang larawan, may bahid na ng kalumaan. Pero malin

