JANE POV Nang magising ako ay napatingin ako sa cellphone ko. Laking gulat ko na 9 am na ng umaga. Hala! Super late na ako sa klase ko nito kaya hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Obviously hindi na ako makakapasok sa first class ko pero makakapasok ako sa subject ni Ma'am Janet. Nagcha chat pa itong si Denis sa akin at tadtad ako ng chat. Bukod sa kanya ay wala nang ibang nag me message sa akin. Nangyari na rin ito dati sa akin at usually ay nakakatanggap ako ng mga messages galing sa mga kaibigan ko ngunit ngayon ay wala na, literal na wala na silang pakialam sa akin. Masakit man ito ngunit ano ba ang magagawa ko? Hindi na ako nagmadali pang pumasok. Nagplantsa ako ng uniform ko at kumain. Pagpasok ko sa cr, nakita ko na may mga pantal pa rin ako sa aking leeg. Nalulungkot ak

