JANE POV Tama lang din siguro na wag niya itong idelete and might as well na mag save din ako ng copy ko. "Okay fine pero please sana ay ipasa mo ang recorder na yan sa akin para may copy din ako," saad ko sa kanya. "Hahaha! Ikaw ha? Baka ipakulam mo itong mga kaibigan mo? Sabihin mo lang sapagkat may kakilala ang mama ko hehe!" Natawa ako sa sinabi ni Denis, "What? At bakit ko sila ipapa kulam? Ano na ang difference ko sa mga ganyang klase ng tao? I don't want to harm those people who harmed me. Basta ako, mananatili ako sa pagiging isang mabuting tao ko regardless kung ano man ang treatment ng ibang tao sa akin." "Naks! Tama yan sige ise send ko sayo ito mamaya pero wag mo nang damdamin ang mga sinasabi nila sayo ha? Alam natin dito kung sino sa inyo ang mabuting tao. Hindi ka da

