HINATID ni Ciaran si Esther sa café kung saan ito nagtatrabaho kinabukasan. Itinigil niya ang kotse sa harapan ng café. He smiled and looked at Esther. “Wait for me,” Ciaran said as he pulled down slightly his cap to cover his face. Basta lalabas si Ciaran, may suot itong cap at may suot pa itong face mask. Nagtaka naman si Esther at sinundan ng tingin si Ciaran na bumaba ng kotse. Umikot ito patungo sa passenger seat at binuksan ang pinto sa tabi niya. Esther remembered that Ciaran often did this when he sent her to work. He always opens the door for her. “Salamat sa paghatid,” mahinang sabi ni Esther saka bumaba ng kotse. Tumango si Ciaran. Napansin naman ni Esther ang tingin sa kaniya ni Ciaran na parang may gusto itong sabihin pero hindi naman ito nagsalita. Sa halip isinara n

