Dahan-dahang inabandona ni Aleck ang mga labi ng dalaga at hinaplos ito ng kanyang hinlalaki. Namula ang pisngi ni Heaven at nahiya na yumuko lamang. First time niyang mahalikan lalo na sa labi. Lumaki siyang mahiyain at mahinhin ngunit dahil sa klase ng trabaho ay unti-unti siyang nagbago lalo pa nang unang araw na nakita niya si Aleck. Ngayon lang siya nakaranas ng halik. Inangat ni Aleck ang kanyang mukha at hinawi ang lumaylay na buhok. Inilapit nitong muli ang mukha at hinalikan siya ngunit ngayon ay mas madiin at mas maalab. Bahagya nitong nilabas ang dila at pilit ipinasok sa bibig ni Heaven na agad rumesponde sa nais niyang mangyari. Parang nakalutang si Heaven dahil sa kakaibang sensasyong nadarama. Naramdman niyang dahan-dahan siyang tinutulak ni Aleck at napaurong naman siya.

