Sa nangyari parang ayaw ko na munang pumasok. Hindi ko alam paano hihingi ng tawad sa asawa ko na hindi ko siya masasaktan. Nakahiga lang ako sa tabi niya at npapatulala. "Lovey, may problema ka ba. Bakit hindi ka pa nakilos dyan. Hindi ka ba papasok sa school?" tanong ng asawa ko marahil nagtataka siya kong bakit nandito pa nga ako. "A...Ano k..kasi l..lovey wala ang prof. namin. Oo, tama w..wala siya ngayong araw.." sagot niya. "Lovey, isa lang ba ang prof. niyo? May ibang subjects pa naman." sagot ng aking asawa pero, kailangan kong lusutan ito para hindi niya ako mabuko. Hindi muna ako nagsalita at nag-isip bago ko ibuka ang bibig ko. "Kasi lovey, siya pa lang naman ang napasok at wala pa ang iba pa. By the way wala ka bang gagawin ngayon?" tanong ko sa kan'ya para maiba ang usap

