Kahit hindi interesado si Kathleen sa pagpunta sa opening ng resort ng San Juan ay tiningnan niya pa din ang invitation.
Next week na pala iyon..Nagdadalawang isip pa siya kung pupunta ba siya o hindi.Gusto niyang pumunta para malaman at makita ang reaction ng mga tao sa naturang resort.May posibilidad din na makakakuha pa siya ng prospect client if ever,lalo na at magbibigay daw siya ng speech.Kung ano man ang dahilan ni Alvin sa invitation niyang iyon at sa pagbibigay niya sa kanya ng pagkakataon na makapagspeech ay ayaw niya ng isipin pa.Kung may binabalak man ito na sa palagay niya ay hindi niya magugustuhan ,pagsisihan nito iyon sa huli dahil event niya ito,pero siguro naman ay wala.
Ginugol ni Kathleen ang buong linggo niya sa trabaho,nalulungkot kasi siya kapag walang ginagawa.Hindi pa din mawala sa isip niya si Topher .
Naisip niya ngang pumunta mamaya sa HR at makibalita dito.Siguro naman ay may alam kahit kaunti ang mga ito .
Kinahapunan ,nagmadali siyang tumungo sa HR.Mag aalas singko na kasi at baka wala na siyang maabutan.
Sakto naman na pagpasok niya sa office ng HR ay nagpapack up na ang mga staff.
"hi mga ma'am ."bati niya
"Engr.Kath alas singko na ...may kailangan ka ?"
Lumapit siya sa isang Hr na medyo kaclose niya.
"ma'am kahiya hiya naman po..may itatanong lang ako may balita ba kayo kay Engr.Christopher sa Canada.?"walang pagaalinlangan niyang tanong.
"tungkol saan?"medyo nagtatakang tanong nito.
"hindi ko kasi siya makontak ma'am."sabi niya.
"wait lang ha..kasi nagupdate kami ng contact ng employee abroad last week.Check ko kung nagpalit siya ng number."sabi nito at inopen muli ang naishutdown ng PC.
Naghintay si Kathleen sandali.Ng makaopen na ng PC at matingnan ng HR ang files ay binalikan siya nito.
"Engr. Kath heto oh ."may binigay na maliit na papel ito sa kanya."nagpalit nga siya ng no."sabi nito.
Kinuha ni Kathleen ang papel dito."thanks ma'am."sabi niya.
"ok na ba...may kailangan ka pa?"tanong nito muli sa kaniya
"wala na ma'am.thank you ulit."sabi niya at umalis na siya.
Umuwi na siya ng condo pagkatapos niyon.Nalungkot at mangiyak ngiyak na siya sa isiping nagpalit ng numero si Topher pero hindi man lang nito ipinaalam sa kanya.Hindi niya muna sinubukang kontakin ang numerong iyon.Parang bigla siyang nakaramdam ng kaba,at parang hindi niya pa kayang matanggap kung sakali ,may iba kasi talaga siyang pakiramdam.Pakiramdam na hindi ayos ang kakahinatnan kapag nagkausap na sila.
Naglagay si Kathleen sa isang bag ng ilan niyang mga damit at mga gamit.Uuwi kasi siya ng Batangas.Nagfile siya ng one week leave,gusto niyang makasama naman ang pamilya niya.
Pagkaayos niya ng mga gamit ay bumaba na siya ng condo,at pumunta na sa kotse niya.Inilagay niya sa backseat ang bag ng mga gamit niya.
9pm na siya nakarating ng kanilang bahay.Inaasahan naman siya na darating ,kaya gising pa silang lahat.Sinalubong siya ng mga ito.
"anak...ike kumain muna bago ka magpahinga."sabi ni Aling Mona habang hinihilot ng kung anong gamot ang batok niya.
"sige ho inay...ako ay magpapalit lang ng damit."sabi nito at umakyat na sa kwarto.
Ilang saglit lang din naman at bumaba na din siya.Pumunta na siya sa dining.Nakahain na dun at kakain na lang siya.
"Inay,maghanap kayo ng mauupahan maglilinis nitong bahay..ang dumi dumi na ho."sabi ni Kathleen.
"naku anak pasensya ka na ,hindi na ako makalinis ha..tunay na sa laki ng bahay na ito ay hindi ko na magawa.Ang guest room,pihado na ako na napakagabok niyon."sabi ni Aling Mona.
"Inay,ayos laang ho yun,kaya nga uupa na lang tayo..saka wag na din kayo tumulong sa pagbababoy,di ga'y kaya nga may inuupahan na tayo."
"nasanay na din anak ako,pati ang tatay mo."
"magpahinga din ho kayo,lagi na atang sumasama ang pakiramdam niyo eh.."nagaalalang sabi ni Kathleen.
"hindi naman anak,,,medyo masakit lang ngayon ang batok ko."sabi nito.
"pahinga na ho kayo ni tatay,ako na magliligpit nito.Mamaya pa ako matutulog."sabi ni Kathleen.
"sige anak ,bukas na tayo magkwentuhan.."
Pagkatapos ni Kathleen kumain,nagtimpla pa siya ng kape at umakyat na sa kwarto niya.Binuksan niya ang terrace dito,lumabas siya doon at umupo sa upuang andoon at inilapag ang kape sa table.
Kahit malungkot siya,nakaramdam siya ng kaunting ginhawa .Ninamnam niya ang sarap ng simoy ng hangin.Nakatingin lang siya sa kabuuan ng barangay nila.Tahimik na ang paligid.Nakatingin lang siya sa paligid at nagmamasid sa bawat mamataan niya.
Namataan niya ang isang lalaki na nakasandal sa kotse niya.Sa pagkakaaninag niya ay si Alvin yoon,nakatingin lang ito sa kaniya.Iniwas niya ang tingin niya dito,hindi niya alam kung matatakot ba siyang muli o hindi.Pumasok na siya sa kwarto niya at inilock na ang pinto ng terrace.
Pinilit niyang makatulog kahit nahihirapan siya.Bumabagabag talaga sa kanya si Topher.May galit at tampo siyang naramdaman para sa lalaki .At sinong babae ang hindi makakaramdam ng ganoon kung sila ang nasa sitwasyon na kagaya niya .
Kinabukasan ,maaga pa din siyang nagising.Dumeretso siya sa kusina ,naabutan niya ang mga magulang na nagkakape.
"oh anak ,magkape na ikaw"sabi ni Mang Amado.
Kumuha na nga ng tasa si Kathleen at nagtimpla ng kape.
"kumusta naman tatay ang pagbababoy natin.?"tanong ni Kathleen.
"ayos naman anak,kaunti na lang bawi na ang puhunan."masayang balita nito
"mabuti naman ho kung ganon."
"Ang iyong Ka Apolonio ,nagtatanong baka makaiwi daw.?singit ni Aling Mona.
"bat di niyo palagyan yung poultry na nasa luma nating bahay."tanong ni Kathleen.
"may poultry naman ang Ka Apolonio mo.?
"ganon ga ho,di magaling...ilan naman ho?
"200 daw..."
"ay di palagyan niyo na ng biik at magdadagdag ako sa account niyo ng budget para doon."
"sige anak...salamat..matutuwa ang ka apolonio mo.."sabi ni Mang Amado.
"sige ho at sa banda banda diyan,palagyan niyo yung nasa luma nating bahay,hanap kayo ng taga alaga."
"sige anak...sino ga naman magaakala na makakaraos tayo ng ganito anak.."pagdadrama ni Aling Mona.
"ay naku ...ang inay talaga...masipag laang kayo ...kaya nagsipag din kami...kapag ka kuwan may veterinary na kayo..."sabi ni Kathleen.
"oo nga eh...kamusta na ga nga kaya si Lexi sa Maynila.?"tanong ng magasawa.
"busy ho sa exam yun this week."sabi ni Kathleen."Dinalaw ko ho iyon sa dorm nitong nakaraang araw."dagdag niya.
"mabuti naman kung ganon,,,si Margaret first honor ulit anak..."balita ni Aling Mona.
"wow....galing naman nga ng batang iyon..Asan na yun,tulog pa?"
"oo anak...tanghali na yun magising..hinahayaan ko na kaysa kung ano ano likutin,wala pang kabait bait.Pinagwawalis ko...naku ang nguso mapagsasabitan ng kaldero."sumbong ni Aling Mona.
"May lakad nga pala ho ako mamayang gabi,inimbitahan ako sa opening ng isang resort sa Lemery ,hindi ko sure kung makakauwi ako ,pag hindi ay baka bukas na ako makauwi."paalam niya.