Hindi na ipinaalam ni Kathleen kay Topher ang tungkol sa pagiging client ni Alvin.Ang alam nito ay kung sino lang ang client na nakaharap nito.Ayaw niya kasi na mag-alala pa ito.
Umalis lang siya sa condo na may iniwan na note sa drawer ng cabinet niya.Note kung sino ang huling makakasama at saan sila magkikita.Ginawa niya iyon in case of emergency.Nawala na ang tiwala niya kay Alvin dahil sa ginawa nito sa kaniya halos dalawang taon na ang nakalipas.
May takot at kaba pa din siya sa dibdib,kaya lang hindi niya iyon dapat indahin dahil maganda ang reputasyon niya sa kompanya ,at ayaw niya iyon na masira lang.
Halos panabay lang na dumating si Kathleen at Alvin sa lugar na gustong iestablish ni Alvin.
"Wow....you came here alone,i am expecting na kasama mo ang lalaki mo.Sayang...."magaspang na sabi ni Alvin..
Hindi na lang pinansin iyon ni Kathleen.Kailangan matapos na ang ipinunta niya dito.
Pagkalabas niya ng kotse ay naglakad lakad na siya at nilibot ng paningin ang kabuuan ng paligid.
"may kotse ka na din pala?umaasenso ka na ....."sabi nito sa tonong hindi mo maintindihan kung ano ba ang gusto nitong mangyari.
Hindi muli iyon pinansin ni Kathleen.Bagkus ,nagfocus siya sa mga nakikita niya at umisip ng concepts para doon.
Bawat maisip niya ay sinasabi niya kay Alvin.Pero bawat sabihin niya ay kontra ito.
"maganda kung yung mga puno ay wag mong ipacut.Pampatibay yan ng lupa,gawin natin yang tree house.Mungkahi ni Kathleen.
"para san naman yang tree house na yan?"
"kung gusto ng mga tao na maview ang kabuuan ng resort ,dun sila pumunta.Para Sa mga taong emotera 't emotero.Para sa mga taong gusto na mapagisa at layuan ang mga kagaya mo.Maraming silbi ang tree house na yun depende sa mga taong makakaappreciate nun."paliwanag niya.
"at may makakaaappreciate naman?"
"bakit naman mawawalan,hindi naman basta common na tree house ang iniisip ko..makikita mo yun kapag nakagawa na ako ng illustration."
"tsssss....baka naman magmukhang tarzan lang ang aakyat sa tree house na yan..."pang aasar ni Alvin.
"kung wala kang nagustuhan sa mga sinabi ko ,well hindi ako ang engineer na kailangan mo."
"ang mga client mo ba Engr.Kathleen Reign Mateo ay dapat laging nakaayon sayo?hindi ba sila puwedeng umalma kapag hindi nila gusto ang concept mo.."
"alam kung gusto mo ang mga nasabi kong concept sayo..inaayawan mo lang ...dahil gusto mo akong pahirapan."
"tsssss....how sure are you na gusto ko yan......
"ok kung ayaw mo ay di kumuha ka ng bagong engineer mo...bahala ka dyan....sabay talikod ni Kathleen sa lalaki.At hindi talaga nito maiwasan na ipakita sa lalaki ang pagkainis niya dito
"do you want me to call your supervisor again?" sabi nito na tila nananakot dahil may malakas siyang pang-alas kay Kathleen.
Humarap muli si Kathleen sa kanya.Naalala niya ng kausapin siya ng supervisor niya.
flashback
Ipinatawag si Kathleen ng supervisor niya.
"ma'am ,bakit niyo po ako ipinatawag?tanong niya sa supervisor.
"tumawag sakin yung client mo,may attitude ka daw na hindi niya nagustuhan.Binastos mo daw siya kasi binato mo ng pancake sa mukha.Anong maipapaliwanag mo dun?"
Ikinuwento ni Kathleen sa supervisor ang lahat.Kung sino at ano ang pagkatao ng client niya at ang ugnayan nito sa kanya.
Malaki ang tiwala sa kanya ng mga boss niya sa company dahil sa kapabilidad na kaya niyang gawin sa trabaho.Halos mapantayan na niya ang mga nauna sa kaniya,actually may nalampasan na.
"Ma'am ngayon alam niyo na po ang side ko ,bahala na po kayo kung ano ang gusto niyong ihatol sakin."sabi ni Kathleen.
"magback out ka na lang sa kliyente na yan,irefer ko na lang siya sa ibang engineer natin dito.Hindi makakabuti para sayo at makasalamuha mo ang isang katulad niya."
"pero ma'am gusto kong itry ng isang beses kung kaya ko....kung hindi then I quit.
"well,kung yan ang gusto mo,,,pagbibigyan kita.Basta mag -ingat ka."
"thank you ma'am..."
"Hindi ka ba natatakot mawalan ng trabaho?"tanong ni Alvin.Napabalik naman sa reyalidad si Kathleen.
"wag mo akong tinatakot Alvin."matigas na sabi ni Kathleen.Lumakad pa siyang papalapit dito."as far as i know ,maybe this is the first project given to you by your beloved parents,and you should need to be succesfull on this.Hindi mo sila dapat mabigo.Pero mukhang umpisa pa lang,bigo ka na."sabi ni Kathleen sa pagmumukha nito."Masyado kang mayabang wala ka pa nga nararating."at naglakad si Kathleen paikot kay Alvin."Alam mo kung nagumpisa tayo parehas sa walang wala ,sigurado ako malaki ang lamang ko sayo sa pag-angat dahil dyan sa attitude mo."
Hindi makapagsalita at makapagbigay komento si Alvin tungkol sa mga sinasabi ni Kathleen kasi parang sinampal siya ng katotohanan.
"Kung tatawag ka ULIT sa supervisor ko at gagawa ka ulit ng magandang kwento....go....do it. . ..siguraduhin mong gagalingan mo dahil baka mapahiya ka lang....."paghahamon nito.
Hindi muli nakapagsalita si Alvin.
"well I sense you have nothing to say......I have to go and I quit..."sabi ni Kathleen at lumakad na palayo.
Nakailang hakbang na si Kathleen ng magsalita si Alvin.
"Hintayin ko ang proposal illustrations mo next week.."kalmang sabi ni Alvin.
Huminto naman si Kathleen at bumalik muli.
"Ang sabi ko ,i quit.Unless you will double the payment of my labor."
"tssssss.....kaya ba mabilis kang nagkakotse kasi ganyan ang technique mo sa mga clients mo..."pangaasar nito.
Hindi nagpahalatang naasar si Kathleen.
"masyado kang mapanghusga Mr. San Juan.Actually,that is your second chance pero binalewala mo ulit.Hindi ako mukhang pera kagaya ng iniisip mo.Lahat ng meron ako pinaghirapan ko."
"To be honest with you,my supervisor talked to me regarding your call. I defended myself of course,I told her the whole story between us,who you are , and who I am to you.And she told me to quit in this,but I insisted ,I want to challenge my patience in you.At sa nakikita ko,kailangan ko ng sumuko."sabi niya kay Alvin habang nakatitig pa din siya sa mga nito.
Hindi na nabigyan ng pagkakataon pa si Alvin na makapagsalita.
Pagkasabi ni Kathleen ng mga litanyang iyon ay tuluyan na niyang nilisan ang lugar.
Naiwan si Alvin na nakatulala sa mga sinabi ni nito.
Ang nais lang naman sana ni Alvin ay asarin at inisin si Kathleen pero mukhang napasobra yata ang kaniyang ginawa.