Dalawang taon na din mahigit nagtatrabaho sa Manila si Kathleen simula ng makatanggap ng promotion.May mga naipundar na din siya para sa kaniyang pamilya.Nakuha na niya ang titulo ng lupa na kaniyang hinulugan noong siya ay naka-anim na buwan na sa pagkapromote.
At ngayon naman heto siya abot kamay na ang pangarap niya.Nakagawa na siya ng blueprint ng ipapatayo niyang bahay at pasisimulan na niya iyong ipatayo.Dahil sa kaniyang pagtitiyaga at pagsisikap ay heto nga siya Malaki na ang ipinagbabago ng buhay ng kaniyang pamilya.
Hindi maipaliwanag ni Kathleen ang excitement niya habang binabalik balikan ang blueprint ng kaniyang bahay.Sa wakas,ang pangarap niya ay malapit ng matupad.
Kasabay nito ang pagpapatayo niya ng poultry para sa hog raising business niya.Magsisimula na din siyang magkaroon ng sarili nilang negosyo .
Simula kasi noong napalipat siya ng manila ,pinatigil na niya ang mga magulang niya sa pagaalaga ng mga baboy at manok sa mga Angono,kasi nagalaga na sila ng sarili nilang baboy kahit pakonti konti lang.
At sa awa ng Diyos ay pinalad din sila sa pagaalaga at tumubo.Kada tumutubo sila ay nagdadagdag sila ng alaga.
"anak Kathleen salamat anak sa pagtupad mo sa pangarap naming ito ,ang magkaroon ng malaking bahay at negosyo."sabi ni Aling Mona.
"si inay ga ang drama na naman..hindi laang naman ho ako ang may dahil ng lahat ng ito ,di ga ho,pinagsikapan at pinagtulong tulungan natin ito."seryosong sabi ni Kathleen.
"pero ikaw ang nagsimula nito anak,kaya salamat.Alam mo ga proud na proud sa iyo ang mga kapitbahay natin dito anak."sabi naman ni Mang Amado.
"kung hindi niyo ako pinagaral ,hindi din ho ako magiging ganito."Totoo naman nagsumikap din naman ang mga magulang para matulungan ako makapagaral
"si Lexi at margaret lagi kong sinasabihan ang dalawang iyon na ikaw ay tularan,magaral ng mabuti ng may marating,tingnan mo ikaw,nabibili mo gusto mo."sabi pa ni Aling Mona.
"hayaan ninyo ,pag kuwan veterinary na si Lexi.Si Margaret mahaba haba pa ang laban."sabi ni Kathleen
Malapit lapit na din makatapos sa kursong veterinarian si Lexi .Yung ang kursong gusto ng kaniyang kapatid kaya sinuportahan niya ito.Kagaya ni Kathleen ,nakakatuwa dahil may posibilidad na gumaradweyt ito magna cumlaude.Lagi din Kasi itong nasa deans lister.
Matatalino Naman silang magkakapatid,kahit nga si Margaret na nasa unang taon ng hayskul ,lagi ding kasama sa honor.
"ay harinawa anak,,lahat ng iyan ay para sa inyo din...kayo din ang mageenjoy ng inyong mga pinaghirapan."sabi ng ama.
Totoo naman nay,pero syempre habang malakas pa kayo ni tatay gusto ko na guminhawa naman din ang Buhay niyo.
"matalino naman din si Lexi ,may tiwala ako dun na may maaabot iyon.At alam ko hindi tayo lugi sa pagpapaaral sa kanya sa Maynila."sabi naman ni Aling Mona.
"ay anak maiba ako ..kamusta kayo ng boyfriend mo na si Topher.?"tanong ng kaniyang ama.
"ayos naman po....inaaayos niya yung kukuhanin kong kotse na installment...hahatian niya daw muna ako ng pangdown...."sabi ni Kathleen.
"ok lang naman ga sa kanya ng humati siya,,baka may pagkagastusan din yun anak..."sabi ng kaniyang ina.
"sabi niya ok lang daw po..saka maiibalik ko naman yun sa kaniya siguro next month,kasi kumuha ako ng loan sa company."paliwanag ni Kathleen.
Sobrang bait ni Topher at talagang napakasupportive niyang boyfriend.Wala akong masabi sa kaniya ,kaya mahal na mahal ko siya.
"sige ikaw ang bahala anak..."ang kaniyang ina
"Magkokotse ka na anak...marunong ka na gang magdrive."tanong ng kaniyang ama.
"nag driving lesson po ako, tapos natuturuan ako ni Topher.Minsan nga naddrive ko na kotse ni Topher.Ayaw ata ako pahiramin nun ng kotse kaya pinakuha na ako."pagbibiro niya.
Nag dadriving lesson si Kathleen kapag may bakante siyang oras.Kasi balak nga niya na bumili ng sariling sasakyan.
Samantalang ayaw nga ni Topher na kumuha siya ng kotse kasi may kotse na daw ito.Si Kathleen lang talaga ang may gusto.Para daw pag nakikipagmeet siya sa clients ay mabilis siyang nakakarating.
Gusto niya din na kapag umuuwi ng Batangas ay may sarili na siyang sasakyan.
Madami pa siyang mapupuntahan kahit magisa lang siya.
Halos anim na buwan din natapos ang malaking bahay nila Kathleen.Kasabay niyon natapos ang poultry nila na maaaring maglaman ng 700 heads na baboy at kulungan ng manok na maaaring abutin ng 2000 heads.
At dahil hindi na din kaya ng kaniyang mga magulang ang magasikaso ng babuyan at manukan,kumuha na din sila ng tauhan.
Tumatanda na din kasi mga magulang niya kaya kailangang sa bahay na lang sila .
At dahil lilipat na sila sa bago nilang tahanan,ay nagkaroon ng bonggang handaan sa Mateo 's new residence.
Imbitado ang buong barangay,masayang masaya ang mga tao para sa kanila.Marami ang natuwa kay Kathleen at ninais na gayahin ng mga anak nila.
Sobra din naman nga ang naging pagsisikap ni Kathleen para lang maabot ang yaman na meron sila ngayon.
Nakakatuwa pa dagdagan pa ng masisipag na mga magulang na talagang suportado ang mga anak.
Sabi nga nila walang bagay na mahirap sa taong nagsusumikap at may pangarap,Walang bagay na impossible kung may pagpupursige. Lahat ng pagtitiis at paghihirap ay may kapalit na ginhawa .Manalig at magtiwala lang sa Panginoon at siguradong uunlad ka.
Oo darating sa buhay natin ang mapapagod ka.Kung dumating man yun matututo Kang magpahinga pero wag Kang susuko.
Tulad na lamang ng buhay ni Kathleen at ng pamilya nito sino ba magsasabi na Hindi niya mararating ang buhay na meron siya ngayon samantalang dati rati naman ay walang wala din sila..Nagsumikap lamang din ang kaniyang mga magulang para maitaguyod silang pamilya.Bukod doon ibayong sipag at tiyaga din ang inilaan ni Kathleen makatapos lamang siya ng kursong kaniyang ninanais.