JUDE HENRY Umupo sa gilid ng kama si Lynelle pagkapasok ng kwarto. Nakahiga ako at abala sa pagkalikot ng phone ko. Sinulyapan ko ito saglit bago ipagpatuloy ang pakikipag chat sa mga kaibigan ko. Nakatungo ito sa 'kin habang nagsasalita. Pag ganito ito mayroon itong mahalaga na sasabihin. Alam niya na kahit ano ang gawin niya ay hindi ako magagalit sa kanya. "Love...m-may sasabihin ako! nakalimutan ko pag kadating natin." Wika nito na tila kawawa ang mukha. Napataas ang labi ko sa hitsura niya. Nagantay ito nang reaction ko. "Ano 'yon my love?" Wika ko sa kanya. "Naalala mo kahapon nasa restaurant tayo!?" Atubili na wika nito. Tumango ako sa kanya. "Uhmm, nakita ko si Thomas." Marahang wika nito. Mabilis na nagangat ako nang tingin dito. At napatingin sa maamo nitong mukha. Nauna

