JUDE HENRY Mabuti na lamang at napapayag ko si Lynelle sa gusto ko mangyari. Hindi pwede na makampante ako kahit wala naman kilos na ginagawa si Eloisa. Nakahinga ako ng maluwag sa dibdib at madali niyang naunawaan 'to. Sana lang ay hindi 'to masaktan sa pagtitiwala kay Thomas kahit hindi pa kami sigurado sa hinala ko na siya ang kaibigan na tinutukoy ng babaeng 'yon. Napatingin ako sa katabi ko na mahimbing ang tulog. Humugot ako ng paghinga at nagpasya na matulog na din at maaga ako bukas papasok sa opisina. Natambak ang gawain ko ngayon dahil madalas ako nawawala sarili nitong mga nakaraang araw. Nagising ako kinabukasan na wala na ang katabi sa higaan. Kumuha ako ng pambahay na damit at nagpasyang bumaba at hanapin 'to. Papasok ako sa kusina ng makita ko silang mag-iina na masayang

