"Kelly! Male-late na ako, anong oras na! Hindi ka pa ba lalabas ng banyo?” Kalampag ni Kimmy mula sa labas ng pinto ng banyo sa itaas. "Just use the bathroom downstairs!” sigaw ni Kelly mula sa loob. "I can't! Sira ang valve ng shower doon!" Muling kinalampag ni Kimmy ang pinto ng banyo. "Kanina ka pa r'yan, pwede bang lumabas ka na at ako naman?!” Ang mama nila na kanina pa naririnig ang palitan nila ng sigaw mula sa kusina ay lumapit sa hagdan at tumingala bitbit ang sandok nito. “Ang aga-aga at nagsisigawan kayo! Kimmy, dito ka sa ibaba!” Nakangusong humalukipkip si Kimmy at hindi umalis sa kinatatayuan. “Hayaan mo ang ate mo r’yan at h’wag mong kalampagin. Tama ba iyang ginagawa mo?” Pumalatak ito saka tumalikod na at bumalik sa kusina. Si Kimmy, nang makitang umalis n

