Hindi namalayan ni Kelly ang sunud-sunod na pagbagsak ng kaniyang mga luha habang pinakikinggan ang kwento ni Lenny tungkol sa komprontasyong naganap sa pagitan nito, ni Brad, at ni Katarina. Halu-halong emosyon ang nasa kaniyang dibdib sa mga sandaling iyon. Masaya siyang buhay si Brad at naka-alala kahit papaano, na nailigtas ito ni Katarina sa kapahamakan noon, at nagpasiya itong bumalik sa kanila. Pero nalulungkot din siya— para kay Katarina at sa anak nito na si Brad ang namulatang ama. Naisip niyang maaaring pagdaanan din ni Maxwell ang pinagdaanan ni Karl noong wala ang presensya ng ama. "We stayed for two more days in the Bahamas,” Lenny said after a while. “It was hard for Brad to leave Maxwell. The little boy was crying when he learned that his father was leaving."

