Dear Sir Adi,
Diba po Sir pag gagawa ng letter may greetings? Kaya, Hi Sir Good morning, Good Afternoon, Good Evening. Hindi ko kase alam kung anong oras mo 'to binasa kaya ikaw lang may knows kung Good morning, Good Afternoon, or Good Evening yung greetings ko dito sa card na'to hehe. Uhm? Paano ko ba sasabihin 'to? ay hindi ko pala sasabihin kase isusulat ko lang. Sir, alam ko na hindi mo pa alam, pero gusto kong malaman mo, ang hindi mo pa alam, na ako lang ang nakakalam at yung kaibigan ko pala may alam na rin, pero ikaw walang alam, kaya ipapaalam ko sayo- ah basta Sir, nakakalito! Nakakalito Sir, parang yung feelings ko sayo, nakakalito o hindi ko lang talaga alam. Sir, maraming lalake sa mundo, yung mga lalakeng kaedad ko, maraming gwapo, mestizo, at matalino pero hindi ko alam bakit yung puso ko sayo lang nagkakaganito. Minsan nga tinatanong ko yung puso ko, bakit ikaw pa? E' wala ka namang pakealam sa'ken. Siguro hindi mo ako kilala. Pero bakit, ikaw? Yolo Sir, You Only Live Once, kaya sasabihin ko na yung tunay kong nararamdaman para sayo. Gustong gusto kita matagal na. Yung tipong makita lang kita dyan sa hallway buo na ang araw ko. Minsan may naguguwapohan akong lalake, pero iba eh, iba ka sa kanila. Isang araw tinanong ako ng kaibigan ko, bakit hindi ko daw crush yung lalakeng may gusto sa'ken na nasa grade 8, eh guwapo naman yun, mabait, matalino, pero alam mo kung ano yung sagot ko sa kaibigan ko? Simple lang- "KASE HINDI SIYA SI SIR ADI". Sir alam kong mawawala lang 'tong nararamdaman ko para sayo pero please po hayaan niyo ako. Hayaan niyo akong gustohin at mahalin kayo, kase dito ako masaya. Sana dumating yung araw na makikita mo yung taong mamahalin ka, yung tanggap kung ano at sino ka talaga. Kahit hindi na ako yun. Salamat dahil ikaw yung naging inspirasyon ko. Ingat ka palagi! Mahal kita.
Love
Ezha. :)
Dala dala ko ang letter ko papunta sa office ni Sir, syempre sinigurado ko na wala siya dito, mahirap na at baka mabuking ako. Akala ko nga si Marie yung magbibigay ne'to pero ang Gaga, umuwi kase may emergency daw.
Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng office ni Sir Adi. Wowex, hindi nakalock! kaya agad akong pumunta sa mesa niya at nilagay yung letter. Lalabas na sana ako ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa doon si Sir Adi!
Anak ng-
Agad namang kumunot ang noo niya.
"What are you doing here?" masamang tingin ang pinukol niya sa'ken, at tinignan ang mesa niya. Agad namang kumunot ang noo ko, anong akala niya sa'ken, magnanakaw?! Excuse me, ano namamg nanakawin ko dito sa office niya, papel? Ballpen? Chalk? Pumunta siya sa mesa niya, tangina, hiyang hiya ako! Tumalikod na ako at didiretso na sana ako palabas ng bigla siyang nagsalita!
"Wait," agad naman akong napahinto at tinignan siya. Pota? Hawak niya yung card!
"Huwag ka munang lumabas, umupo ka muna." kasing lamig ng aircon dito sa office ang boses niya, kaya wala akong magawa kundi umupo sa may upuan malapit sa mesa. Tinignan niya ulit yung card at binuksan, kuot noo niyang binasa ang love letter na binigay ko. Putragis, nakakahiya!
Hindi ko alam kung slow reader ba'to si Sir, o ano. Kanina niya pa binabasa yung card, pangit ba yung hand writing ko? Hindi niya ba naiintindihan? Sana kase pnirint ko nalang e'!
Pagkalipas ilang minuto at sa wakas tapos na rin siya sa pagbabasa, nilagay niya yung card sa drawer at tinignan niya ako.
"Ms. Ledezma-" feeling ko talaga sesermonan niya ako, kaya inunahan ko na siya.
"Oo Sir, alam ko po na bawal, pero wala po akong pakealam. Liligawan kita, kahit hindi ka papayag. Liligawan kita" mas mabilis pa sa kidlat kong sabi sa kanya at agad na lumbas sa office.
Seryoso? Nagawa ko yun? Kailangan kong panindigan yung pinagsasabi ko kanina.
Potah, YOLO pa nga.
------
Pagka uwi ko sa bahay agad akong nag text kay Sir.
Saan ko nakuha number niya?
Naks, ako pa? Syempre 2 years na'tong nasa contacts ko pero wala akong guts na mag text. Nakuha ko 'to sa syempre sa pinaka maganda, sexy at gaga kong kaibigan.
Minsan napapaisip ako, May kwenta rin pala yung gagang yun.
To: Future Husband.
Nakauwi na ako sa bahay. Alam kong hindi mo tinatanong kaya SKL.
Sent!
Ewan ko ba. Oo kinakabahan ako pero ampotek, ang saya! Ang gaan sa pakiramdam na hindi ka nagtatago ng feelings sa isang tao.
Agad namang nag vibrate ang cellphone ko kaya kinuha ko ulit ito.
At hindi nga ako nagkakamali.
Nag reply si Sir!
From: Future Husband.
Hello. Who's this?
Yun lang yung reply nya? Tangina ang professional naman ng future hubby ko.
Gaga syempre professional, teacher nga eh diba.
To: Future Husband.
Ako lang 'to . Yung future wife mo.
Sent!
Bahala na nga! Minsan lang tayo mabuhay ano, kaya lubus lubusin na natin!
From: Future Husband.
Ms. Ledesma, go to my office tomorrow afternoon.
Nag reply naman ako kaagad.
To: Future Husband.
Woah so ako talaga yung future wife mo?
yie ikaw Sir ha at bakit mo ako pinapunta sa office mo ?Bakit sir? Miss mo na ako?
Sent!
At lumipas ang isang oras at putek-
Hindi ako nireplyan!
Kaya nag text ulit ako.
To: Future Husband
Goodnight Sir! Pray before u sleep ha?
Sent!
Pagkatapos kong ma send yun, kumain na ako at naligo tapos nag review para bukas. May regular class na kase kami eh. Tapos natulog na.
Ang saya. Ang saya ko ngayon.