Lee’s POV Nakapamulsa lang si Ethan habang pinapanuod ako sa pag-impake ng mga gamit ko, nasa bahay ako ngayon ni Stan at sumama siya sa akin. But he said that he will come back automatically in San Anrdres, hindi ko na kailangan pang itanong kung bakit dahil alam ko na dahil isang tao lang naman ang dahilan. “Hindi ka pupunta ng libing ni Terrence?” he asked coldly. I closed the zipper of my bag and face him. “Hindi… marami akong kailangan asikasuhin sa DLO,” matapang kong sagot. Although, I badly want to visit Terrence’s funeral. Pero kailangan kong maging matatag, once I go back in DLO, hindi na ako muling makakabalik sa kanila. Unless, if I have mission to do. But I’m certain that my path won’t cross to him again. Bakit? Kasi hindi naman tadhana ang gumagawa ng paraan para mag

