Lee’s POV Dapit hapon na nang mapagpasyahan kong lumabas ng mansion para bumili ng makakain para sa pagdating nila Ethan, napag-isipan ko na ipagluto sila para may magawa naman kahit papaano. Nasa loob ako ng mini store tulak-tulak ang cart. Tumigil ako nang makita ang pasta, I remember Ethan mentioned me one time that he likes pasta so much. Napangiti ako at mabilis na kinuha iyun nang may nauna ng kamay ang humawak sa pasta na kukunin ko dapat. Bumaling ako sa tabi ko at isang mestisang babae ang nakita ko. Ngumiti ito ng matamis dahilan para makita ang magandang ngipin niya, she has rosy checks and pinky lips, but her brown eyes got my attention. “You go first,” maamo niyang saad at umatras kahit siya naman talaga ang nauna sa akin. Tipid akong ngumiti at kumuha ng pasta, pinas

