Lee’s POV Masaya akong pumasok sa loob ng opisina ni Dominator Copper, pero pinigilan ako ng isang staff na nagbabantay sa labas ng opisina ni Dominator Copper. “May kausap si Dominator Copper at mahigpit na ipinagbabawal na gambalain siya,” the man uttered. Napaatras ako ng konti para lumayo sa pinto. “Sinong kausap niya?” “Si Dominator Eira at Headmaster Jagor.” I swallowed hard and sit on the lounge, hihintayin ko na lamang na magkaroon ng bakanting oras sa akin si Dominator Copper para sabihin ko ang magandang balita sa kanya. Hindi na ako makapaghintay pa na malaman niya ang impormasyon na hatid ko. Ilang minuto pa ang lumipas nang bumukas na ang pintuan at niluwa nun sina papa kasama si Eira, they all looked at me confused. Tumayo ako at nilapitan sila, I bowed my head

