Lee’s POV Yakap yakap ko ang sarili habang nasa loob ng opisina ng mga Dominators, they are all staring at me. Kahit si papa at Eira ay kanina pang tulala at walang imik. Roux handed me the water, uminom ako ng konti at nilapag iyun sa ibabaw ng lamesa. Gulat pa din sa mga nalaman at hindi makapaniwala. “Agent Lee deserve the title of Empress, anak man siya ni Bellona o hindi… nagawa niya ang misyon kay Roland at nagtagumpay siya,” pagbasag ni Dominator Copper sa katahimikan. “Ngunit anak siya ni Roland!” dad hissed unreasonably. Humalakhak si Dominator Apollo at umiling na tila natutuwa. “Tadhana na ang gumagawa ng paraan para ibigay ang nararapat kay Agent Lee. Hindi maitatanggi na ang DLO ay pag-aari ni Bellona, at ang agent na nasa harapan natin ay dugo ni Bellona. Anak ni

