"Tang *na! Avery bumalik ka! Hindi pa tayo tapos!" Kanina pa ko pa lakad lakad sa harapan ng salamin sa kwarto ko. Nakakapanibago kasi ang itsura ko, nakalugay ako at malayang malayang hinahangin ang buhok ko na umaabot na sa balakang ko. Medyo kulot ang bandang dulo nito. Light ang make up ko pati ang lipstick. Ewan ko kung bakit pero ito ang kinalabasan ng pag-aayos ko sa sarili ko. At nakakapanibago lang talaga. Suot ko rin ang pinamili naming dress sa mall nung isang linggo ni Diara. White and black dress sya, above the knee ang haba at medyo fit kaya hulmang hulma ang body shape ko. Buti na nga lang free style ngayon. At siguradong bonggahan na naman ang outfit ng mga co-students ko, bakit bonggahan? Kasi hindi pa tapos ang 3 days orientation para sa mga graduating. So hindi kami

