The reason behind

1033 Words
"Kaibigan ko sya. Matagal ko nang kaibigan pero tinalo ko. Siguro dala narin ng sakit na nararamdaman ko. Pati sya nadamay pa. Gusto ko sya bilang kaibigan pero hindi sya ang tipo ng babaeng seseryosohin ko." Nagising ako sa pag galaw ng isang tao sa tabi ko. Umupo agad ako at nakita ang babaeng walang damit sa tabi ko na natutulog at nakapulupot ng kumot ko. Napatingin ako sa katawan ko at ganun din ako, walang saplot. Alam kong mali ito, pero ginusto ko. Mali nga pero eto na, nangyari na. Saka ginusto din naman nya diba? Dahan dahan akong tumayo at dumiretsyo sa banyo. Binuksan ko ang gripo at naghilamos. Natulala ako sa salamin habang pinagmamasdan ang sarili kong repleksyon. Flashback .. Dahan dahan akong naglakad at tahimik na pinakikinggan ang ingay na naririnig ko. Ingay na nakakadurog ng puso ko. Ungol. Ungol ng isang babae. Malapit na ako sa lugar kung saan nang gagaling ang ungol na iyon kaya dirediretsyo lang ako sa paglalakad. Habang papalapit ako, lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko. Nakita ko ang isang kwartong naka-angat ang pinto. At mas lalong lumakas ang ungol ng babaeng naririnig ko lalo na ang t***k ng dibdib ko. Nabibingi ako sa parehong ingay na sabay kong naririnig. Sumilip ako sa konting awang ng pinto at nasilayan ang katawan ng lalaki't babaeng gumagawa ng hindi kanais nais na masilayan. At isang bagay na nakapag pamura sakin ng pabulong ng malaman kung sino yung babae at kung kaninong ungol ang kanina ko pang naririnig. "Fvck" Si Hailey. Ang girlfriend ko! Nakikipagtalik sya sa iba! Mga walang hiya! Walang hiya!! Baboy! s**t. Naglakad na ako paalis ng building at dumiretsyo sa parking lot. Sya lang ang sineryoso ko. Sya lang! Pero ganto pa ginanti nya?! Sinipa ko ang gulong ko sa sobrang galit. Hindi ko maramdaman ang sakit dahil mas nangingibabaw ang sakit na nagmumula sa bandang dibdib ko Nag drive ako pauwi at nadatnan ang mga barkada kong naghihintay sakin. May gimik nga pala kami ngayon! Nilagpasan ko lang sila at dumiretsyo na ako sa kwarto ko, hanggang sa sumunod na sakin si Avery. Isa sya sa mga kaibigan ko na extra kung mag bigay ng care sakin. Hindi ko nga maintindihan kung bakit ganito sya. Minsan napapansin kong sakin lang sya ganito at hindi sa iba naming kaibigang lalaki. "Shawn, okay ka lang ba?" Pinahid ko ang luha ko at nilingon sya. "Oo. Okay lang ako." Sagot ko Ibinaling ko ulit ang tingin ko sa kawalan at huminga ng malalim. Akala ko lumabas na sya pero nagulat ako ng makitang nasa tabi ko na sya. Umupo narin sya sa tabi ko at tumingin din sa kawalan. "Anong nangyari?" Kalmadong tanong nya Ngayon lang ako umiyak sa babae. At sa harap pa ng babae. Ang tanga nu? Walang kwentang babae pa ang iniiyakan ko! Ni hindi ko nga alam kung anong minahal ko sa Hailey na yun eh! At hindi ko pa nagawang gumalaw sa kinatatayuan ko kanina para pigilan at suntukin sa mukha kung sino mang lalaki iyon. Naduwag ako, kinain ako ng sakit at galit "She cheated." Sagot ko na may ngiting mapait "Tsk. Minahal mo kasi ng sobra, ayan tuloy." "Buti ikaw hindi ka nasasaktan. Ilang lalaki narin ang nanakit sayo diba?" Pag-iba ko ng topic "Tss. Paano mo nasabing nanakit sakin, kung hindi ako nasaktan? Syempre nasaktan din ako. Sobrang nasaktan ako, siguro hindi ko lang alam kung pano iexpress yung emotions ko kaya parang wala lang sakin" sagot nya Dahan dahan syang ngumiti at tumingin sakin. "Buti nakukuha mo pang ngumiti" sagot ko "Ano ka ba! Bakit naman hindi ako ngingiti eh lalaki lang yan! Marami dyang iba!" Napangiti ako ng magpout sya. Ang kulit talaga ng babaeng to! Inabutan nya ako ng isang beer na hindi ko alam kung saan nanggaling at meron din sya. Nag cheers kami at sabay naming ininom iyon. Malamig ang hangin at maraming bituin, pero madilim. Tulad ng puso ko ngayon, dumilim bigla. Tila nawalan ng enerhiya dahil sa mga nangyayaring ito. Deserve ko ba to? Siguro. End Of Flashback .. "Hays" napabuntong hinga ako at umiling. Naalala ko na naman si Hailey. "Shawn?" Katok ni Avery sa pinto ng cr ko. Sinuot ko ang boxer ko saka binuksan ang pinto. Nginitian ko sya at niyakap. "Gising ka na pala" bulong ko Humiwalay sya sakin at ngumiti. Ngiti na hindi ko maintindihan pero nakakapawi ng sakit. "Ang sakit. Ang sakit sakit Shawn" sagot nya ng nakangiti parin. Niyakap ko uli sya at isang ngiti ang nag form sa labi ko. "I'm sorry." Sagot ko Nakita kong may bahid ng dugo ang bed sheet ko kaya naman pinalinis ko na iyon kay Yaya Eva. Tinulungan ko syang mag ipon ng warm water sa bath tub at saka sya binigyan ng mga pambabaeng bath gel. Kung saan to nanggaling? Syempre ready ko yan palagi pag dito natutulog si Hailey. *Sigh* Nang matapos syang makaligo, sinuot nya ang t-shirt ko na hanggang hita nya, napaka sexy talaga nya at masasabi kong .. "I'm so damn lucky" Ngumiti sya at hinila na ako palabas ng kwarto, sabay kaming nag almusal at nanood ng t.v. Nakasandal sya sa balikat ko habang nanunuod kami ng movie na gusto nya. Mga Romantic Drama. Nakarami kami ng movie bago sya nagpaalam na uuwi na. Hinatid ko sya hanggang sa labas ng bahay at hinagkan pa sya sa noo bago sya tuluyang naglakad palayo. Aaminin ko .. Hindi maganda ang nararamdaman ko. Alam kong mali to, maling mali pero pinasok ko. Tinuloy ko pa din. Sht. Ano ba kasing pinasok mo Shawn! Makakasakit ka lang. At yung babae pang walang ibang ginawa kundi tulungan at damayan ka. Nahihibang na ata ko. Pano ko kaya sasabihing balewalain nya nalang ang nangyari ngayon. Kunwari walang nangyari, kunwari trial card na nag expired? Shet. Ako ang first nya, paano nya makakalimutan to? Bakit ngayon lang ako tinatamaan ng realidad. Mali ang nagawa ko. Kaibigan ko sya. Matagal ko nang kaibigan pero tinalo ko. Siguro dala narin ng sakit na nararamdaman ko. Pati sya nadamay pa. Gusto ko sya bilang kaibigan pero hindi sya ang tipo ng babaeng seseryosohin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD