Someone point of view Nang tuluyan ng maibigay sa akin ang mapa ay agad kong tinunton ang daan papunta sa lugar na tinutuluyan ng aking anak. Hindi ko maintindihan kung bakit naging ganito ang kapalaran niya. Buong akala ko ay magiging ligtas siya ngunit nagkamali ako. Hindi ko mapipigilan ang nakatadhanang mangyari. Ng marating ay lugar ay nadatnan ko siyang nakahiga sa isang higaan na gawa sa pulang dyamante. May nakapalibot na salamangka sa paligid upang walang makalapit sa kanya. Nagpapasalamat ako sa kanya dahil hindi niya pinabayaan ang aking anak. Ginabayan niya ito sa loob ng maraming taon. Nilapitan ko ang katawan ng anak kong nakahimlay at hinawakan ang kamay nito. Hintayin natin ang muling pagkabuo ng dyamante anak. Hinalikan ko ang noo nito saka nagpalabas ng kaunting kapa

