Chapter 4

1568 Words
Armania Minerva Madaming katanungan ang itinapon ko kay Venia ngunit hindi niya agad sinagot. Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at hinila ang aking kamay upang dalhin ako sa kung saan. Sumunod naman sa amin si Liana na nananahimik at mukhang malalim ang iniisip. Bitbit niya ang kahon na naglalaman ng kanyang baon na pagkain. Patuloy siya sa paghila sa akin hanggang sa makarating kami sa gubat. “Teka, papunta ‘to sa bahay ko,” gulat na sambit ko pero wala man lang akong narinig kahit na isang salita mula sa kanilang dalawa. Aangal sana ako nang makitang tinatahak na naming ang daan patungo sa masukal na parte ng gubat kung saan pinamumugaran ng mga mababangis na hayop. Walang kung anu-ano’y nagsalita si Liana habang nakatingin sa’kin. "Sfragída,” sambit niya sa ibang lengwahe. Naramdaman ko ang biglang paghigpit ng labi ko. May kung anong bagay na parang nagtatakip upang hindi ako makapagsalita. Tumingin ako kay Liana at tinaasan siya ng kilay habang nagsasalita sa aking isipan, “Ano to?” Gusto kong magsalita pero ungol lang ang lumalabas sa aking bibig hanggang sa makarating kami sa bahay ko. Binuksan ni Liana ang pinto at dumeretso sa silyang gawa sa kawayan at pasalampak na umupo. Napansin ko na bitbit pa rin niya ang box ng doughnut na baon niya. “Tanggalin mo na ‘to, Liana!” sigaw ko sa likod ng aking isipan. Nakakainis dahil ungol lang talaga ang lumalabas sa aking labi. "Ay, oo nga pala. Venia, tatanggalin ko na baa ng takip sa bibig ni Mania?" "Sige." Pagkasagot ni Venia ay agad na umupo siya sa harap ko at tinitigan ang aking mukha. Si Liana naman ay may sinabi nanaman na ibang lengwahe kaya nagawa ko muling ibuka ang aking labi upang makapagsalita. "Ipaunawa niyo nga sa’kin. Ikaw, Liana kapag may sinabi ka nagkakatotoo. Ikaw, Venia ‘yang mata mo, kahit malayo nakakakita ka? Paano iyon nangyari?” "Ganito kasi 'yan, Mania. Iyon ang kapangyarihan namin. Sa'kin kaya kong makapatay gamit lang ang pag tingin, o kaya kong makontrol ang mga bagay o tao habang tinitingnan lang. Si Liana lahat ng sasabihin niya nagkakatotoo. She has the power of words, sa’kin ang power of sight. at sayo ang touch. Makakapatay ka gamit lang ang kamay mo.” Nang una ay hindi ko maunawaan ang kanyang sinasabi kaya pilit kong inulit-ulit sa isip ko ang binitawan niyang salita. Unti-unti ko nang naiintindihan. Kung gayon ay kapareho ko sila. Ngunit isa pa ring misteryo ang pagkakaroon ko nito. Saan nanggaling itong kakayahan na ito? Siguro isinumpa kami o baka biyaya ito. "Magkapareho tayo?" tanong ko upang makatiyak. Ang tinutukoy ko ay kung magkatulad kami na mayroong itinatagong kakaibang abilidad. "Oo, hindi tayo normal!" "Mga abnormal tayo!" agad na sabat ni Liana. Tiningnan namin ng masama si Liana. Grabe kasi ang komento. Wala ng matinong masabi. "Alam niyo ba kung saan galing ang kakayahan nating ito?" Nagkaroon ng kaunting katahimikan sa pagitan naming tatlo at sabay na nagkatinginan si Venia at Liana. Mukhang nagdadalawang isip ito kung sasabihin o hindi ang mga nalalaman nila. Napabuntong hininga si Venia paglipas nang ilang segundo at nagsimulang magkwento. "Honestly, I don't know where this ability came from. Ang tanging naaalala ko lang ay ang pangyayaring iyon. Noong gabing pinasok kami ng magnanakaw at nakita ko kung paano niya patayin at gahasain ang aking ina ay may kung anong pwersa na nagmumula sa mata ko. Masakit sa una pero sa sobrang galit na naramdaman ko ay napatay ko ang lalake. Walang physical contact ang nangyari. Tiningnan ko lang ang lalake habang iniisip ko na kaya ko itong patayin gamit ang mata ko. I did it! I killed that stupid man! He deserves it for taking away the only person that was there for me." Ramdam ko ang galit sa bawat pagbigkas ni Venia. Lalo na ang panginginig ng mga kamay niya. “Naulila ako ng dahil sa magnanakaw na iyon. Kaya nang mamatay ang aking ina ay naghanap ako ng taong makakatulong sa akin upang alamin kung paano ko iyon nagawa. Subali’t walang kahit na sino ang nakakaalam kung anong kakayahan mayroon ako. Ang mga kaibigan ko ay lumayo sa akin sa takot na baka sila ay mapaslang ko rin.” Huminga siya ng malalim saka binaling ang tingin kay Liana na kakatapos lang sa pagkain ng kanyang baon. “Tell us,” malumanay n autos ni Venia. "Sa akin ay 'di ko rin alam ang nangyari. Wala rin namang trahedya na nangyari pero kapag naiinis o nagagalit ako. Kung ano ang masabi ko ay nagkakatotoo kaya naman simula noon medyo hindi na ako nagdadaldal. Kasi noong minsan na naglalaro kami ng pinsan ko aksidente kong nasabi na sana ay mabaril siya dahil sa sobrang inis ko. Then kinagabihan, pag-uwi nila na-ambush ang sinasakyan nila at siya lang ang tadtad ng bala." Napaisip ako. May kung ano ang nagtutulak sa amin para mailabas ang kakayahan na ito. Kapag kalmado naman kami walang nangyayari. Maybe it is our emotion that lead us to feel the urge of killing. "Kapag galit kayo, kinakabahan o kahit na makaramdam ng matinding emosyon ito ang nangyayari?" "Oo/yeah!" sabay na sagot nila. "Kailangan natin na iwasan ang magalit o makaramdam ng matinding emosyon. Para maiwasan natin ang makapatay. Subali’t kung masama naman, why not? Kill all the people that has a role of being a villain." "Sure thing!" Pagkatapos namin mag usap ay napagdisesyunan ng dalawa na dito na pansamantalang manirahan sa gitna ng kagubatan kasama ko. Tutal alam na rin namin ang kayang gawin ng isa't isa. Para na rin maitago ang aming lihim. Isa pa ay wala na rin silang pamilyang mauuwian. Kaming tatlo ay mga ulila na. Kinabukasan maaga pa kaming pumunta sa paaralan. Mas maganda kasing pumasok kapag wala pa masyadong tao. Walang maingay at lalong walang tsismis. Tahimik kaming tatlo sa paglalakad. Alam ko na kahit hindi sila nagsasalita ay nagmamasid sila at pinakiraramdaman ang paligid. Pagdating sa kwarto ay may iilan na kaming kaklase na abala sa pagbabasa, 'yong iba naman ay tulog o kaya’y naglalaro. Ilang minuto lang naman ang hinintay namin at isa isang nagsidatingan ang iba pero ni isa sa kanila ni Hanna ay walang dumating. Pagpasok naman ni Miss Sierosia ay mukha itong namomoblema. Aligaga siya at halatang malalim ang iniisip. "Students, today will be your free day. Bibisitahin ko muna sila Hanna sa hospital dahil tinubuan ito ng kung anong kati sa katawan. And by the way kayong tatlo.” Tinuro kami ni Miss kaya nagtaka kami. “Sumunod kayo sa’kin sa office ko." Pagkalabas ni Miss ay agad din kaming sumunod. Napaisip tuloy ako kung may nagawa ba kaming kasalanan kaya niya kami ipinatawag. O hindi kaya ay mayroon siyang ipapagawa sa amin nina Liana at Veina. Hindi naman malayo ang opisina ni Miss kaya agad din kaming nakarating. Pinagbuksan niya kami ng pinto at pinainom. Binigyan niya rin kami ng maiinom. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Kayong tatlo muna ang bahala na mag asikaso ng hardin. Iyon ay utos mula sa Punong-guro. Mukhang unti-unting nalalanta ang bulaklak. Dahil mukhang hindi naman kayo maarte ay kayo na ang mag-ayos at maglinis, maaari ba iyon?" Nagkatinginan kaming tatlo. Ang weird naman. Kahapon ay maayos pa naman ang hardin, malusog ang mga halaman at buhay na buhay, tapos ngayon ay biglang nalalanta? "Ang hardin sa likod ng paaralan ang tinutukoy ko. Malapit sa science department,” sabi ni Miss Seirosia. Sa ikalawang pagkakataon ay nagpalitan kami ng makahulugang tingin. Pagkatapos nang ilang sandali ay iniwan na kami ni Miss. Kami naman ay dumeretso na sa kung saang impyerno para hanapin ang hardin ang tinutukoy niya. Ang dami namang janitor saka hardinero sa paaralan ay sa amin pa talaga pinangalaga ang pag-aayos. Bigla tuloy akong kinutuban na baka may mali. "Ako lang ba o talagang may kakaiba?" tanong ni Venia "Talaga namang may something." "Oo nga, at ‘yon ang aalamin nating tatlo. Mag-ala detective muna tayo." Mukhang exciting ang naisip ni Liana kaya nagmamadali kaming pumunta sa likod. Pagkarating namin sa hardin na tinutukoy ni Miss ay napagtanto namin na tama nga ang sinabi niya. Ang mga pananim ay nalalanta. Iba rin ang aura ng lugar na ito. Mabigat at puno ng negatibong enerhiya. "Nakakaramdam ako ng bad vibes," ani Liana habang yakap ang sarili. "Same here!" "Ako rin! Ang bigat ng enerhiya sa paligid.” Nagmasid muna kami at pinakiramdaman ang paligid upang matiyak na walang panganib na nakaabang. Nang makatiyak na ligtas ay hinanap namin ang bodega kung saan nakatago ang mga kagamitan sa panghahardin. Pumasok kami sa bodega at kukunin na sana ang tools ng biglang may narinig kaming kumalabog. Sinundan namin ang tunog at dinala kami nito sa isang sirang locker room. "Sinong unang papasok?" tanong ni Liana. Itinulak naman ako ni Venia kaya walang ibang pagpipilian kundi ako. Buti na lang at lagi akong handa. Kinuha ko ang flashlight sa loob ng bag ko. Dahan-dahan kaming tatlo sa paglalakad papasok. Si Liana ay nakakapit sa braso ko at si Venia ay nakahawak sa strap ng bag ko. May kakaibang kakayahan ang dalawang ito pero takot sa dilim. 'Sanay ka sa madilim,' sabat ni brain. Epal talaga. Napasigaw ang dalawa ng may biglang nahulog sa harap namin. Halos mabingi pa ako dahil sa tenga ko pa sila sumigaw. Isang papel na nakarolyo ang nahulog sa aming harapan na hindi naming alam kung saan nanggaling
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD