Chapter 7

1342 Words
Armania Minerva Nagising ako sa lugar na hindi pamilyar sa akin. Inobserbahan ko ang paligid para malaman kung may panganib ba. Nang masigurong wala ay bumaba ako sa hinihigaan ko at lumabas sa silid kung saan ako nagising. Paglabas ko ay nakita kong tahimik na nagmamasid si Liana sa paligid at ang katabi nitong si Venia ay mukhang nagmamatyag din. Magsasalita na sana ako ng biglang may nagsalita sa likod ko. "Buti at gising na kayo." agad akong napatalon sa gulat sabay hawak sa dibdib ko. "Teacher Sierosia?" Sabay na sambit naming tatlo. "Ako nga, umupo ka muna Mania." "Paano kami napunta dito? Sa pagkakaalala ko nasa.." "Dinala kayo dito ng tatlong lalake. Sa chemistry laboratory kayo galing. Nawalan kayo ng malay matapos mabuksan ang lagusan." "Lagusan?" Tanong ni Venia "Oo, lagusan patungo sa mundo ng mga demi god at ng mga normal na tao. Tanging ang pintuan na lamang na iyon ang naghahati sa mundong ginagalawan natin. Hindi ito makikita o mararamdaman ng normal na tao." Natahimik kami. Talagang nabuksan ko ang pinto. "Hindi ko akalain na isa kayong tulad ko. Ang 'di ko lang alam ay kung kayo ba ay isang reincarnation o direct descendant ng isa sa mga dyos at dyosa." "Ano bang pinagkaiba nun?" "Kung katulad ka namin anong kakayahan mo?" "Pwedeng kumain?" Napatingin kami kay Liana dahil sa sinabi nito. Isa pa to! Ang seryoso ng usapan magsasabi ng kung anong katangahan. "Ano ba naman 'yan Liana, Iyan ka nanaman eh! Out of nowhere? Seriously?" Pagalit na tanong ni Venia. "Eh nagugutom ako eh!" Sigaw na sabat ni Liana at ngumuso. "Tama na iyan, halina kayo sa kusina." mahinahon na sabi ni Teacher Sierosia. "Tawagin niyo na lang akong Era. Heto kumain kayo." Agad na nilantakan ni Liana ang mga pagkain na nakahain sa aming harap, natakam ako kaya kumuha ako upang makakain na rin. "Ano nga pala ang kakayahan mo Era?" Tanong ko. Nawala na kasi ang katinuan ng dalawa dahil sa pagkain. "I can open portals and I can manipulate some person to fall inlove." Boring ng powers sabi ko sa isip ko. Subalit hindi pa nito sinasagot ang tanong ko kanina. "Ano ang pinagkaiba ng Direct descendant at reincarnation? Di'ba parang patas lang iyon?" "Hindi, dahil kung direct descendant ka ng isa sa mga god and goddesses malakas ang kapangyarihan mo. Ngunit kung isa kang reincarnation may limitasyon. Saka delikado kung isa kang reincarnation dahil maaaring makuha ng dyos na nareincarnate sayo ang katawan mo, na siyang maaaring maging sanhi ng kamatayan mo." Paliwanag niya. Tumango ako at sumubo ng pagkain, Naiintindihan ko na. Naramdaman ko na mataman akong tinitingnan ni Era. "Bakit?" "Ikaw ba ang nakabukas ng pinto?" "Oo." maikling sagot ko. Big deal ba yun? Napangiti si Era ng malungkot. "Sa iyo nakasasalay kung magpapatuloy ang digmaan o hindi. Ikaw ang magdedesisyon kung magbabago ba ang kapalaran nating mga demi god." "Paano mo nasabi yan?" "Dahil nakasaad sa libro na kung sino ang makapagbubukas ng pintuang ipinagbabawal ay siyang may karapatang gumawa ng desisyon. Kaya sana wag kang magpadala sa galit mo. One single move can change everything and our destiny is in your hands." Makahulugan na wika niya. Hindi ko maintindihan si Era. Ang dalawa ay nakatapos na sa paglamon kaya naman tumino na ang utak. "Kailangan ko kayong dalhin sa lugar kung saan kayo nararapat." "Saan naman yun?" "Sa Olympus," nababaliw na si Era, hindi nag-eexist ang Olympus. "Paano mo kami madadala doon?" "Ipikit niyo ang mga mata niyo." Sabay na pumikit ang dalawa. No choice pumikit din ako. "Pagmulat ba natin nasa Olympus na tayo hihi?" Tanong ni Liana. Psh! Isip bata. "Hindi, hanapin niyo ang gintong pinto." "Huh?" "Paano namin hahanapin ang pinto kung nakapikit kami?" May point si Venia. "Nasa kaloob looban niyo ang pinto. Hanapin niyo. Konektado kayo doon kaya madali niyo 'yong mahahanap." Pumikit ako ng mariin, tanging itim lamang ang nakikita ko. ' mania' Narinig ko ang pangalan ko. May tumatawag sa akin. ' mania' Bakas sa boses nito ang matinding paghihirap paghihirap. Ngunit 'di ko ito pinansin. Ilang sandali nakita ko ang sarili ko na naglalakad sa daan na parang walang hanggan. Bakit ako napunta dito? Sa pagkakaalam ko ay kasama ko sina Venia, pero ipinagpatuloy ko pa rin ang paglalakad. Unti-unti akong nakaramdam ng lamig. Nakikita ko sa kabilang banda ang isang babaeng nakasuot ng asul. Naglalaro ito ng yelo sa magkabilang kamay. Papalapit ang sarili ko sa babae. Ramdam ko ang dala nitong panganib. Gusto kong sigawan ang sarili ko na bumalik pero 'di ko magawa. Nagkatapat ang sarili ko at ang babae at gano'n na lamang ang panghihilakbot ko ng makita ang mukha ni Era. Akala ko ba nakapagbubukas lang siya ng portal at nagmamanipula ng damdamin. Ngunit bakit may yelo siyang hawak at mukhang nakokontrol niya ito. 'mania' Muli ay nadinig ko ang boses na tumatawag sa akin. Malapit lang ito. Tatanungin ko na sana si Era kung bakit niya ako inabangan at kung bakit may hawak siyang yelo pero bigla ako nitong sinugod. Dala ng pagkagulat ay hindi agad ako nakagalaw kaya nadaplisan ang pisngi ko. Ramdam ko ang hapdi at ang pagtulo ng dugo. Sinubukan kong palabasin ang kapangyarihan ko ngunit hindi ko magawa. May kung ano ang pumipigil na magamit ko ang kakayahan ko at ramdam ko ang init at sakit na kumalat sa buong katawan ko. Patuloy ang pagsugod ni Era sa akin. Habang ako ay iwas lang ng iwas. Sasaksakin na sana ako ni Era pero agad kong hinawakan ang kamay nito at itinulak ko siya paatras. Nang umatras na siya ay nagkaroon ng pagkakataon na sipain ito ngunit agad nitong hinawakan ang paa ko at iniikot kaya nasubsob ako. Kinaladkad ako ni Era at inihagis sa isang bangin na may kalaliman, nang tingnan ko ito ay nakita ko ang nagbabaga at bangangalit na apoy sa ilalim. 'mania' narinig ko uli ang tumatawag sa akin. 'Kung sino ka man tulungan mo ako' sambit ko sa isip ko. 'mania' 'nagmamakaawa ako,' Binitawan na ako ni Era kaya nahulog ako. 'tanggapin mo ako.' Pagkasabi niya noon ay biglang lumitaw ang isang puting ilaw. 'tanggapin mo ako' inilahad ko ang kamay ko at bago pa ako bumagsak sa nagbabagang apoy ay pumasok na sa akin ang puting ilaw. Ipinikit ko ang mata ko at pagmulat ko ay nasa b****a ako ng isang gubat at may babaeng nakatalikod sa akin. "Mania, salamat at tinanggap mo na ako." Siya ba ang nagsasalita kanina? "Ako nga iyon." Humarap ito sa akin pero ang nakita ko ay ang mukha ko. Paanong nangyari na iisa ang aming wangis? "Dahil ako at ikaw ay iisa." Iisa lang kami? "Tama, dahil ako ay nasa loob mo. Ako ang nagsisilbing kaluluwa mo." "Bakit ba binabasa mo ang isip ko." "Nababasa ko ito dahil iisa lang tayo." Tsk! "Hawakan mo ang kamay ko." Sinunod ko ang utos nito. Ang creepy pala kapag naka face to face mo na ang sarili mo. Biglang naging isa ang katawan namin. I feel refreshed all of the sudden. Nang matapos siyang sumanib ay nakita ko na ang gintong pintuan. Pinihit ko ito at pagbukas ko ay bumungad sa akin ang mundong hindi ko inaakalang makikita ko. Akala ko sa mga fairy tales lang ito. Pumasok na ako at nakita kong naghihintay na sa akin si Era. Naalala ko tuloy ang paghulog nito sa akin sa apoy at ang pagsugat nito sa aking pisngi. Hinawakan ko ang pisngi ko. Wala akong madamang sugat o kahit na anong bakas na tanda ng pagkasugat. Nagtatanong na napatingin ako kay Era. "Iyon ay isa lamang ilusyon. Mabuti at bago ka nahulog ng tuluyan ay tinanggap mo ang iyong bahagi. Hanga ako dahil nalampasan mo iyon. Ang iba ay inaabot ng isa o kahit tatlong taon pa 'yung iba ay namamatay." Ganun kahirap 'yun? "Ngayon ay madaragdagan ang abilidad mo sa paggamit ng iyong kakayahan." Naglakad na ito ako naman ay inilibot sa paligid ang paningin. Ito na siguro ang Olympus. "Hanapin mo ang iyong guardian at ang iyong mate. Makakatulong sila sa iyo." "Paano ko naman mahahanap eh 'di ko nga kilala." nilingon ko si Era pero wala na ito. "Era?" Walang sagot "Teacher Sierosia?" Wala pa rin. Bastos din kausap eh. Biglang nawawala. Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad hanggang sa makasalubong ko na sina Venia at Liana. Mukhang pagod na pagod ang dalawa pero ramdam ko ang bahagyang pagtaas ng aura ng dalawa tanda ng unti unting silang naging malakas. Pero saan ko naman hahanapin ang mate at guardian ko? Itong si Era pahirap sa buhay. 'Di nakuntento sa paggugulo ng utak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD