Bakas sa mukha ng lahat ang pagkagitla, lalo na ang nga kaibigan ni Armania. "Huwag kayong mangingiming patayin siya!" Utos ni Zeus na nakikipagsuntukan sa isang satyr. "Ayokong saktan si Armania" naluluhang sambit ni Liana na dinaluhan ni Venia. Niyakap niya ito saka tinitigan sa mata. "Kayanin natin para sa natitirang lahi ng mga dyos at dyosa. Magpakalakas ka at huwag na huwag kang magpapalinlang. Bantayan mo ang sarili mo" umiiyak na tumango si Liana saka naiwan sa gitna ng labanan. "Argh!" Sigaw ni Hariem na natumba sa harapan ni Liana kaya tila nabalik mula sa malalim na pag iisip si Liana ay agad na inalalayan si Hariem na tumayo. "Kaya mo pa ba?" Tumango ito saka pumwesto sa harap ni Liana at itinaas ang kaliwang kamay. "Gamit ang kapangyarihan ng aking deity, sinasamo ko an

