Chapter 2

1609 Words
Armania Minerva Pagkatapos ng klase namin ay agad kong inihanda ang gamit ko. Delikado ang daanan kapag lumalim na ang gabi pero sanay na rin ako. Ilang taon na akong naninirahan sa gitna ng gubat kaya balewala lang sa akin ang mga kinakatakutan ng isang normal na tao. Tinapik ko ang aking bad upang tiyakin na naroon ang ilan sa aking mahahalagang kagamitan. Hinanda ko ang aking sarili sa paglalakad papasok sa masukal na gubat at nilakasan ang aking pakiramdam. Mabuti na iyong nag-iingat kesa nagiging kampante. Malayo ang bahay ko kaya kailangan kong magmadali, madaming weirdong nangyayari sa gubat tuwing sasapit ang gabi. Kung bakit ba kasi sa gubat ko pa naisipan na manirahan. 'Dahil doon walang taong mangingialam sayo. Walang taong manggugulo sa katahimikang hinahangad mo.' tama nga naman si Brain. Simple lang naman ang bahay ko medyo creepy nga lang ang daanan. Dito rin kasi nagtatago ang mga nilalang na halang ang kaluluwa. Huminga ako nang malalim saka tinanaw ang makitid na kalsada na nasa 'di kalayuan. Sumagi sa isip ko ang dalawang dalaga na agad kong nakapagpalagayan ng loob. Si Liana at Venia, silang dalawa ay may kabaitang taglay. Magaganda ang asal at madaling pakisamahan. Subali't ramdam ko na sila ay mayroong itinatagong lihim. Sila'y may kanya kanyang sundo kaya hindi kami magkasama sa paglalakad pauwi. Tama ang hinala kong mga anak mayaman ang naging kaibigan ko. Habang ako'y nagmumuni-muni ay tahimik kong binagtas ang kakahuyan, sa labing-pitong taon ko dito hindi pa naman ako nakakaharap ng mababangis na hayop. Oo, may nakikita ako pero hindi nila ako sinusugod, siguro kilala na nila ako, o hindi naman kaya ay malakas lang ang aking taga-bantay. Napatigil ako sa pag-iisip nang makarinig ako ng mga yapak, hindi ako lumingon dahil baka makahalata ang sumusunod sa akin. Nagpatuloy ako sa paglalakad at umupo ako sa nakausling ugat ng puno. Yumuko ako at kunwari ay inayos ang sintas ng sapatos ko. Tumayo ako makalipas nang ilang sandali at saka nagpatuloy sa paglalakad. May sumusunod nga sa'kin at base sa amoy nito isa itong lalake. Nang naramdaman ko ang presensya nitong malapit na sa akin ay humarap ako at ganoon na lang ang pagkabigla ko ng nakataas ang hawak nitong kutsilyo at anumang oras ay handang isaksak sa akin. Nanlaki ang aking mata nang masilayan ang kanyang mukha. Kilala ko ang lalakeng ito, siya ang napapabalitang r****t at isang serial killer. Bakit naman ako ang natripan nito? Tumingala ako, mag-gagabi na at malayo na ako sa sibilisasyon. Kahit na sumigaw ako ay hindi pa rin 'yon makakatulong. Hindi ko naman kailangan ng tulong dahil simula pagkabata ay iba't ibang klase ng martial arts ang pinag aralan ko. Walang nagtuturo sa'kin pero may boses na siyang nagsasabi kung ano ang dapat na gawin ko. Dahan-dahang lumapit sa'kin ang lalake, nakangisi pa ito. Nakakapangilabot ang ngisi nito at ang mata nito ay puno ng pagnanasa. Hindi ako natinag sa kinatatayuan ko. Habang papalapit ang lalake ay may nararamdaman ako na kung anong pwersang namumuo sa aking kamay. Masakit sa una pero habang tumatagal ay nagiging maayos ang pakiramdam ko. Na para bang matagal ko na itong ginagawa. Bigla na lang siyang humakbang palapit sa akin at inatake ako. Huli na para umiwas dahil nahawakan na ng lalake ang braso ko at hinaplos ang mukha ko. Kitang-kita ang pagningning ng mga mata niya at tila isang asong ulol na naglalaway habang titig na titig sa bawat parte ng aking mukha. Iniiwas ko ang mukha ko saka hinawakan ang kamay nito at malakas na iniikot kaya bumagsak ang lalake at ngayon ay umuungol sa sakit. Parang musika ang ungol nito at gusto ko pang makarinig. Hinintay ko itong tumayo nang maisagawa ko ang nasa loob ng aking isipan. Pagkatayo niya ay agad niya akong sinugod, iwas lang ako nang iwas para 'di matamaan ng kutsilyo ang aking katawan. Nakita ko na isasaksak na nito ang kutsilyo sa dibdib ko at huli na para umiwas kaya hinawakan ko ang kamay nito at pwersahang inikot pakaliwa, dinig ko ang pagkabali ng buto nito dahilan upang humiyaw ng malakas ang lalake. Napakagandang pakinggan. Sumilay ang isang pilyang ngiti sa aking labi habang pinagmamasdan ang mukha niyang hindi maiguhit dahil sa sakit. Dahil bali na ang kanang kamay nito ay ang kaliwang kamay nito ang ginamit, sasampalin sana niya ako ngunit hinawakan ko ang palad niya at hinila papalapit sa'kin nang malapit at itinaas ko ang tuhod ko kaya ang mukha nito ay tumama. Hindi ko pa rin binibitiwan ang lalake, iniikot ko ito saka sinipa ng malakas sa sikmura. Napatalsik ang lalake at tumama sa isang puno. Sa pagkakataong ito ako na ang sumugod. Hinila ko ang buhok niya patalikod. Kitang-kita ang napakagandang hubog ng leeg niya, subali't ikinalulungkot kong sabihin na ang leeg ng lalakeng ito ay mababali o mapuputol ng wala sa oras. Dahil hila ko na ang buhok niya ay hindi na siya makakaalis. Itinaas ko ang aking kamay. Mukhang nalaman ata ng lalake ang plano ko kaya itinulak ako nito saka ito tumakbo. Wala akong sinayang na pagkakataon, hinabol ko ito. Nang malapit na ako sa likod niya ay tumalon ako pasakay, hinawakan ng kaliwang kamay ko ang leeg nito at ang kanang kamay ko ay sa noo nito nakahawak. Bago pa makahuma ang lalake ay buong pwersa kong iniikot ang ulo nito. Dinig na dinig ang pagkabali ng buto nito sa leeg. Laylay ang ulong bumagsak ang lalake. Tiningnan ko ito ng maigi na para bang ito ang pinakainteresanteng bagay na nakita ko. Umupo ako sa tabi nito. Ni hindi ako nakaramdam ng pagsisisi kahit na alam kong nakapatay ako. "Kung hindi mo lang sana ako pinagtangkaan e'di sana hanggang ngayon ay humihinga ka pa." Sinipa ko ang kanyang walang buhay na katawan bago pinulot ang aking bag na nabitawan ko kanina. Kinuha ko ang tali sa bag ko. Lagi ko itong dala, in case of emergency at isa sa paggagamitan ko ng tali ay ang lalake. Itinali ko ang leeg nito saka dahan-dahan na itinayo. May nakita akong puno sa 'di kalayuan at tamang-tama ang taas nito. Pagkarating sa puno na iyon ay pinatayo ko ang lalake. Bitbit ang dulo ng tali ay umakyat ako sa puno saka itinali ito. Kung titingnan mo ang lalake mukhang nagbigti lang ito. Hindi na ako nag-abalang bumaba, tinalon ko na lang ang puno. Sinuri kong muli ang lalake, nakayuko ito at mahigpit ang pagkakatali sa leeg. "Pumili ka sana ng biktimang hindi marunong makipagpatayan. Bobo ka rin kasi. Ako pa talaga? Tsk!" Sa inis ko ay sinipa ko muli ang lalake saka umalis. Walang kwenta. Ni hindi manlang sumagot. Pagmamaktol ko sa aking isipan. 'Patay na nga kasi. May patay bang sumasagot?' sagot ko rin sa aking isipan. Kung may makakakita man sa lalakeng 'yon, aakalain nila na nagpakamatay ito. Aist, buti na lang leeg ang binali ko. Teka nga binali ko rin ang kamay nito. Tss, bahala na. Wala namang ebidensya na ako ang pumatay doon. Kung may maligaw man dito iyon ay ang mga mangangaso o ang mga halang ang kaluluwa. Pagkarating ko sa bahay ay nagbihis na agad ako. Nakasanayan ko ng magbihis sa harap ng isang full length mirror kaya napansin ko agad na nagbago ang kulay ng mata ko. Sa pagkakaalam ko ang kulay ng mata ko ay hazel brown pero bakit naging itim ito? Sobrang itim ng mata ko. Napansin ko rin na umitim ang buhok ko. Kulay Auburn ang buhok ko kaya paano nagpalit ito ng kulay. Napansin ko rin na naging kulot ang buhok ko. Tsk! Siguro ay binibiro lang ako ng aking mata. Iyon na lang ang inisip ko dahil hindi ko nais marinig ang katotohanan sa aking sarili. 3rd person point of view Nagsisimula na ang kanyang kapalaran na alam kong walang kahit na sino ang makakahadlang. Baguhin man, mangyayari pa rin ang itinakda. Sinabuyan ko ng itim na buhangin ang kawa na puno ng tubig na siyang pinapanuod ko kung nais kong subaybayan ang nangyayari sa dalaga. Kapag siya ay natuto ay mas lalo pang magiging malakas ang kanyang kapangyarihan. Kapangyarihan na siyang magliligtas o magpapahamak sa amin. Ipinapanalangin ko na lamang sa nakatataas na sana ay mali ang aking nga pangitain ukol sa kanya. Humugot ako ng isang malalim na hininga bago hawiin sa harapan ko ang makapal na ulap na siyang nagtatago sa kung ano man ang ginagawa ko sa loob ng aking silid. Laking gulat ko nang makita ang isang babae na matagal ko nang iniiwasan. "Ano ang ginagawa mo rito?" seryosong tanong ko upang ikubli ang pagkagulat ko. "Batid kong mayroon kang alam kung saan naroon ang aking anak. Nais kong ibigay mo sa akin ang impormasyon na aking kailangan nang sa gayon ay walang mangyaring gulo." Tumaas ang sulok ng aking labi dahil sa binitawan niyang salita. Hindi ako mangmang kaya batid ko na pinagbabantaan niya ako na may mangyayaring labanan kapag hindi ko naibigay ang kanyang nais. "Paumanhin, subali't bilin sa akin na walang dapat na sinuman ang makaalam ng katauhan ng iyong anak, pati na rin ang kanyang kinaroroonan. Kaya mas mainam na lisanin mo ang lugar na ito. Nasa teritoryo kita at iyon ang iyong dapat na alalahanin." Ngumiti ako ng matamis at itinaas ang aking noo upang ipakita na hindi ako natatakot sa kanya. "Batid mo na mas makapangyarihan ako kesa sa iyo," aniya sa mababang tinig. Sasagot na sana ako ngunit hindi ako nabigyan ng pagkakataon dahil naglaho siya sa aking harapan. Muli sa ikalawang pagkakataon ay humugot ako ng malalim na hininga saka hinaplos ang aking kwintas. Ito ay ang susi na siyang magdadala ng kahit na sinong nilalang sa ibayong dimensyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD