Armania Nang imulat ko ang aking mata ay naramdaman ko agad na may nagbago sa aking katawan. Hinawakan ko ang parte na natamaan ng mga pana. Ilang araw ba akong nagpahinga? Tiningnan ko ang aking dibdib at kita ko mismo ang marahan na paghilom ng aking sugat. Parang may sariling isip ang aking katawan. Sinugatan ko ang aking sarili at muli ay naghilom ito ng kusa. Ano ba ang nangyayari? Tiningnan ko ang paligid. Lahat ng nakikita ko ay kulay pula pero lahat ng nandirito ay dyamante. Isang malakas na pagsabog ang aking narinig at bigla na lamang ay nagbago ang aking nararamdaman. Matinding galit ang pumuno sa aking dibdib at isa lang dahilan nito. Ang kasakiman ni Mania. Tinahak ko ang daanan hanggang sa makarating ako sa isang lugar at nasaksihan ko ang nangyayaring digmaan. Natigil

