Chapter 9

1267 Words
Armania Ni hindi manlang yata alintana ng lalake ang bigat ko at patuloy lang ito sa pagtakbo ng sobrang bilis. Hanggang sa hindi ko namalayan na nakaupo na pala ako loob ng isang bahay. "You! Arghhh! I'm so dizzy!" I said between my breath at isinandal ang likod ko sa couch habang hawak ang aking noo. "Hoy ikaw!" Turo ko sa lalake. "I'm not Hoy! I'm Ephriem. Here," sabi nito saka binigyan ako ng isang baso ng tubig. Wait? Ni hindi ko nga nakita na umalis ito sa harapan ko eh. "Saan mo ito kinuha?" "Sa kusina." maikling sagot nito. Tumalikod ito sa akin at akmang sisigawan ko ito ng lumabas si Venia at Liana na may kasamang lalake. Si Venia ay kasama ang lalakeng may asul na mata at ang kasama naman ni Liana ay itim ang mata. Naitaas ko ang kilay ko. So ano to? By partner? Tiningnan ko uli si Ephriem saka inirapan. "Baklaaaa, dito ka na? Buti nahanap ka ni Ephriem hihi ayy ito nga pala si Hariem at ang kasama ni Venia ay si Orcelos." Sumandal ako sa sofa saka ipinikit ang mata ko. "Daldal mo Logia." "You're so rude!" Pag-iinarte nito. Tahimik lang na umupo sa tabi ko si Venia saka hinawakan ang kamay ko ngunit agad din itong bumitaw. "You killed the descendant of Ceres." Pabulong na saad nito. "Oh, yeah?" Walang ganang tugon ko. Iminulat ko ang mata ko saka tiningnan ang tatlong lalake na nasa harapan namin. "Ano kayo? Decendant o Reincarnation?" "Decendant." sabay na sabi ng tatlo. "Si Ephriem ay decendant ni Hermes." so tama ako. "Ako naman ay decendant ni Poseidon at siya ay kay Hades." napaupo ako ng tuwid ng marinig ang pangalan ni Hades. Tiningnan ko ng maigi si Hariem. "Hades huh, so I guess you have an ability to call the dead people?" "Yes, and I can talk to them." Balewalang sagot nito. "That's creepy!" Sigaw ni Liana sa tabi ko. Tiningnan ko ito ng masama ngunit ito ay humarap lang sa akin saka nag peace sign. Childish talaga. "How about you Orcelos, decendant of Poseidon?" "I can use water to travel." "Parang portal ganun?" Tanong nanaman ni Liana. "Pwede ba manahimik ka Liana? Ang kulit mo eh." Tinitigan ko ng maigi ang tatlong lalake. 'Di ako sigurado pero parang nakita ko na sila. Hindi ko nga lang alam kung saan. "Nagkita na ba tayo?" Nagkatinginan muna sila saka umiling. "Ngayon palang tayo nagkita, saka sa tingin ko naman wala ng lalake ang kasing gwapo namin kaya imposible talaga." mahangin na sabi ni Ephriem. Sigurado ba na decendant to ni Hermes? Pakiramdam ko kasi si Aeolus ang Deity nito eh. "Anak ka ng hangin. Dito ba kami titira?" Napaatras naman si Orcelos at natigil ang dalawa. "Ah? Mania okey ka lang? Kahit naman gwapo si Hariem ay 'di ako papayag na tumira kasama sila nuh." sabi ni Liana habang iniikot ang buhok nito sa daliri. Tiningnan ko si Hariem at kita ko ang pamumula ng pisngi nito. Tsk! May epekto pala talaga ang mga salita ni Liana. "I am just asking." Pag-depensa ko sa sarili. "May pagnanasa ka ata eh." Sagot naman ni Venia. "Sino sa kanilang tatlo?" Sa pagkakataong ito ay ako na ang namula dahil sa sinabi ni Venia. Ipinikit ko ng mariin ang mata ko. Nakaka-stress ng medyo light. Hindi ko talaga alam kung bakit sila ang naging kaibigan ko. Nasa kalagitnaan na ako ng pagtulog ng may kung anong pwersa ang gustong pumasok sa katawan ko 'di ko maigalaw ang katawan ko pero pilit kong nilalabanan ang pwersa. " 'Wag mong pigilan" turan ng boses sa utak ko kaya naman ay hinayaan ko na lang ang pwersa na pumasok sa aking katawan hanggang sa napabalikwas ako ng bangon at sapo ang dibdib ko. Iminulat ko ang mata ko at gano'n na lang ang gulat ko ng makita ang kulay dilaw na bilog na nasa aking kamay may itim na humahalo dito. Itinaas ko ng bahagya ang kamay ko saka tiningnan ito ng maigi at 'di ko namalayan na nasa gubat na pala ako. Hindi ko alam kung paano ako nakarating dito. Dinig ko ang mga ungol ng mababangis na hayop at ang paggalaw ng mga puno, dahil sa marahas na pag ihip ng hangin. Bigla akong napalingon sa likod ko at nakita ko ang isang bulto ng tao. Hindi ko mawari kung ito ba ay isang babae o lalake. Agad na itinapon ko ang hawak kong bolang dilaw papunta sa taong nasa harap ko ngunit 'di pa man ito nakaabot sa tao ay bigla itong naglaho at ngayon ay sakal ako ng isang tao. Wala ang takip sa mukha nito kaya napag alaman ko na isa ito lalake. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay nitong nakasakal sa akin at naramdaman ko na nag iinit ang mga kamay ko hanggang sa nabitawan ako ng lalake at bigla na lang naagnas ang buong katawan nito. May kung anong pwersa ang kumokontrol sa katawan ko. Hindi ko maigalaw ang buo kong katawan at napaluhod na lang ako at napansin ko na sakal ko ang aking sarili hanggang sa naubusan ako ng hangin sa katawan ko at nawalan ako ng malay. Nagising ako ng may tumatapik sa mukha ko. Minulat ko ang mata ko saka bumungad sa akin si Era agad itong may ibinigay na inumin. Tinikman ko ito at napapikit ako dahil sa tamis. Ano kaya ito? " It's ambrosia." "Binabasa mo nanaman ang isipan ko. Teka paano ako napunta dito?" "Nakita kita sa gubat na pag aari ng isang isinumpang descendant. Si Asrue ang descendant ni Ares." Ang tinutukoy niya siguro ay ang nakaaway ko kanina. "Ang nakaaway mo kanina ay isa lamang ilusyon ang 'di ko maintindihan ay kung papaano ka napasok sa gubat na iyon." "Hindi ko nga rin alam eh. Basta alam ko natutulog ako tapos may kung anong pwersa na gustong pumasok sa katawan. Tapos nagising ako doon at 'yun na nga teka paano mo nalaman stalker ka nuh?" "Tsk! Sakto lang na doon talaga ako dumadaan." "Bakit naman doon ka dumadaan huh Era?" Umiwas ito ng tingin sa akin "Nagbabakasakali ako na mahanap ko ang descendant o kaya naman ang reincarnation ni Mania." "Bakit naman?" "Dahil siya ang magiging sanhi ng kaguluhan at kailangan na mapatay siya bago pa man siya makapanakit." "Boring naman niyan. Hayaan mo siya mabuhay ng may thrill ang buhay ng mga taga rito." Ibinagsak nito ang hawak na baso, "Hindi maaaring magkagulo dahil baka maubos ang lahi natin. Tayo na lang ang natitirang may mga dugo ng diyos na siyang nagbabalanse sa mundo ng mga tao. Tayo din ang maglalayo sa kanila sa kaguluhan." "They deserve it anyways." "At bakit?!" Sigaw nito sa akin Galit na ito dahil nagbago ang kulay ng buhok nito. "Di'ba ang mga diyos ang gumawa ng mga bagay na nakikita natin sa mundong ito? Subalit ano ang ginawa ng mga tao? Sinira lang nila, ipinagsawalang bahala, inabuso kaya kung ano man ang mangyari ay nararapat lang sa kanila. Lahat ng ginawa nila ay may kabayaran at 'yan ang kabayaran sa lahat ng ginawa nilang panggagambala at paninira lalo na sa kalikasan." Sandaling natahimik si Era saka bumalik na ang kulay ng buhok nito. "May punto ka pero mas kailangan natin na gawan ng maayos na paraan hindi sa pagiging marahas." "Basta kung ako ang masusunod dapat lang na mawala sila dahil kahit na anong ayos at mahinahon na pamamaraan ang gawin natin may iba pa rin na may maiitim ang budhi at magpapatuloy sa pamiminsala sa lahat ng pinaghirapan ng lahi natin." Sa inis siguro ni Era ay ipinitik nito ang kamay at sa isang iglap lang ay dito na ako sa harap ni Ephriem at nakasalampak ng upo dahil bumagsak ako galing sa kisame. Mukha namang nabigla ito dahil sa pagkakabagsak ko, sapagkat nanlalaki ang kanyang mga mata habang nakatitig sa'kin. Tumayo na lang ako at umalis na parang walang nangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD