CHAPTER 26 LETTER ? "DIESEL, mamaya sa port, alas tres ng hapon." Hindi pa nasusubo ni Diesel ang breakfast niya na stuffed egg ay bigla na lang siyang nilapitan ni Akina para sabihin 'yon at umalis na.. Nakabihis na ito ng pagpasok at nagtataka siya dahil himala at hindi ito nagpupumilit na sumabay sa kanya. "Oh, napano ka?" Umiling siya sa Mom niya at nagpatuloy siya sa pagkain. "Baby, tingin mo, pwede mong maging girlfriend si Akina?" Napaubo suya at napainom agad ng tubig dahil sa pagkabigla sa sinabi ng Mom niya. Hinimas nito ang likod niya. "Mom! Ano bang sinasabi n'yo?" "Oh, bakit nabulunan ka pa? Ayiiee! May pagtingin kay Akina, ano?" Napakamot siya sa kilay niya dahil naiilang siya sa tukso ng Mommy niya. "Wala po, bakit naman ako magkakagusto do'n. Si Zia lang nama

