CHAPTER 22 RELATIONSHIP GOALS NAGKAKASIYAHAN sa isang resort ng mga ford ang lahat ng inimbita ni Diesel para sa comeback pool party na hinanda niya para kay Akina. "Sel, nasaan na sila Akina?" tanong sa kanya ni Sandro kaya tumalim ang mata niya na tumingin rito. "Bakit mo naman hinahanap ang girlfriend ko? Hanggang ngayon pa rin ba ay umaasa ka?" "Ul*l! Hindi na, naka-move-on na ako. May ibibigay lang ako sa kanya kaya ko siya hinahanap." Inalog ni Diesel ang hawak na alak habang nakasandal siya sa isang table malapit sa pool. Nakasuot lamang siya ng board short na pang-summer habang naka-sando siya na black. "Patingin, ako na rin ang mag-aabot." Nilahad niya ang kamay para hingin rito ang nais nitong ibigay sa nobya niya, pero ngumisi lang ito at umiling. "Ayoko nga. Regalo k

