CHAPTER 2 - THE WAR BETWEEN THEM

4108 Words
CHAPTER 2 THE WAR BETWEEN THEM ? SA PAGTILAOK at pagtunog ng alarm clock ay nagmamadaling bumangon sa kanilang kama si Diesel at Akina. Ngayong araw kasi ang unang araw ng pasukan sa papasukan nilang kolehiyo. Kumuha ng towel si Diesel at tumingin sa salamin habang kitang-kita na isang boxer short lamang ang suot niya. Hinagod niya ang buhok na magulo na at napangisi siya ng makita ang ka-pala-pala niyang mukha. "Ang gwapo mo." kausap niya sa sarili at kumindat pa siya bago napapailing na tinungo ang banyo. Napapasipol pa siya habang pumapasok sa banyo at nilapag sa towel hanger ang towel niya bago niya hinubad ang boxer at shinoot sa basket na lalagyan ng marurumi niyang damit. Napanganga siya sa sarap ng pinaghalong mainit at malamig na tubig na bumabagsak mula sa ulo at katawan niya. Napangiti siya at dumilat bago pinatay ang shower at hinagod ang buhok niya para mawala ang tubig. "It feels good." aniya habang napapangiti. HABANG good mood si Diesel ay badtrip naman si Akina, dahil nakalimutan niya na ngayon ang araw ng klase sa school na papasukan niya. Sarap na sarap siya sa pagtulog ngunit kailangan pa niyang bumangon ng maaga para pumasok. Hindi pa sanay ang katawan niya sa klima at sa oras lalo na sa pagtulog niya. Kung hindi lang nakakahiya sa scholarship na binigay sa kanya ay baka umabsent siya ngayon, pero kailangan niyang ayusin dahil ayaw niyang mapahiya si Aunt Isabelle sa amo nito. Dahil sinabi naman ni Isabelle sa kanya na hindi pa naman required ngayon ang uniform para sa transfer student ay ayos lang ang suot niya. Gaya ng napagplanuhan ay sinuot niya ang ripped jeans at black male shirt na saktong sakto lang ang fit sa katawan niya na pinaresan niya rin ang mga ito ng white rubber shoes. Inayos niya ang maikli na niyang buhok matapos niyang i-blower. Ginuhitan niya ng eyeliner ang eyelid ng mga mata niya para naman magkabuhay kahit paano ang mga mata niya. Nang ayos na ay sinukbit na niya ang bag sa balikat niya at naisipan na niyang bumaba para mag-almusal. "Heto na ang lalake natin!" anunsyo pa ni Isabelle na kinasimangot niya, "Joke lang, hindi ka naman mabiro." sabi nito kaya napailing siya at tuluyan ng bumaba ng hagdan. "Wow, Ate! Ang gwapo mo pong lalake." nakangiting sabi ni Allen kaya ginulo niya ang magulo na nitong buhok. "Bolero ka pa lang bata ka." nakangiti niyang sabi at naupo na sa tabi nitong silya at sinabit ang bag sa silya niya. "Hindi po, totoo po ang sinabi ko, Ate, ang gwapo n'yo." sabi nito kaya napailing na lang siya at tumingin kay Isabelle na nilapag ang ulam sa hapag. "Alam kong maninibago ka sa pagkain, pero dapat mo nang sanayin na kainin ang mga 'yan araw-araw, Akina. Wala ka na sa japan, pilipinas na ito." paalalanan nito sa kanya. "Wala nga akong sinasabi, e. Alam ko na po 'yon, at sanay na ako na kainin ang mga hinanda n'yo. Nakalimutan n'yo na ba na ito ang pinapakain n'yo sa amin ni Shin 'pag ginagabi kami sa pakikinig sa inyo?" nakangiti niyang sabi, at kumuha ng bread at egg at pinalaman ang egg sa bread na pinahiran ng mayonaise. "Oo nga pala." sabi nito at napapailing na naupo sa harap niya. Nilapag muna niya ang bread sa plate at pinagsiklop niya ang mga kamay at pumikit. "Arigatō gozaimas." dasal na pasalamat niya sa itaas at dumilat para lang makita na nakatingin sa kanya ang dalawa. "What?" natawa niyang tanong dahil para bang isa siyang alien ng gawin niya 'yon. "Wala, nahiya naman kami ni Allen." sabi ni Isabelle na kinailing niya. "OH, Bro!" bati ni Benidict kay Diesel ng dumating siya sa university. "Sila Michael at Jin?" tanong niya matapos makipag-man-to-man kay Jack, Benidict, Sandro, at Raphael na naghihintay sa kanya sa parking lot. "Si Michael ayon.." nguso ni Benidict kaya bumaling sila ng tingin at nakita niya si Michael na may nilalandi na naman na kinailing niya at ngumisi siya. "Ang bilis talaga ng ugok. Umagang umaga may kalandian na." nakangisi niyang sabi, "E, si Jin?" tanong naman niya kung nasaan si Jin. "As usual, saan ba makikita si Jin?" sabi ni Sandro. "Kay Mina." sabi ni Diesel at napailing dahil lakas tama talaga ni Jin doon. "So, tara na sa loob." aya ni Sandro kaya tumango siya at pinatunog ang remote ng sasakyan niya para i-lock. Nakapamulsa siya na naglakad habang nauuna. "Ang gwapo niya talaga." "Oo nga. Ano kaya ang ginagamit niya sa kutis niya? Daig pa tayo mga girls." Dahil sa sinabi ng babaeng 'yon ay napahinto siya kaya maging ang apat ay napahinto sa likod niya. Tumingin siya sa nagsalita na agad yumuko ng makita ang seryoso niyang tingin. "Psh! Kutis original ito, kaya 'wag na kayong maghangad na magiging ganito ang kutis n'yo. Oras na marinig ko pa ang pagbubulungan n'yo tungkol sa akin... Patay kayo sa akin!" irita niyang sabi sa babae at sa mga nakapaligid na nakikiusisa sa kanila. "Relax, Ron. 'Wag muna silang pansinin, halika na sa loob." aya ni Sandro kay Diesel para awatin na ito. Pumapatol kasi sa babae si Diesel kaya alam nila na hindi ito magpapaawat. Hinawi ni Diesel ang kamay ni Sandro at inayos niya ang leather jacket at nagsimula na muling humakbang. "SINO siya? Eww! Ang baduy ng outfit " "Yeah right. She's so boyish." Lihim na napalatak si Akina habang kitang-kita sa gilid ng mga mata niya ang mga mapanuring estudyante na kasabay niyang dumaan sa gate. Huminto siya at hinarap ang mga putak ng putak na mga parrot. "Suntukan na lang, oh?" hamon niya sa mga babaeng maarte na ngumiwi sa kanya at agad na kumaripas ng lakad. Napangisi siya at napailing na humarap muli sa daan. Pero napahinto siya ng ma-spot-han ang dilaw na kotse na pamilyar na pamilyar sa kanya. Pasimple niyang sinuyod ng tingin ang buong paligid bago niya pasimpleng nilapitan ang kotse. Tinungo niya ang likod upang tignan ang plate number nito na tandang tanda pa niya. 'Ford03' Iyon ang number na natatandaan niya. At napaasik siya ng ma-kumpirma na ito nga. "Kung sinuswerte ka nga naman. Dito pala nag-aaral ang barumbadong may-ari nito." wika niya at hinawakan ang dilaw na kotse nito na tila alagang alaga sa linis. Binasa niya ang mga sticker na nakadikit at lalo siyang napangisi dahil mukhang Gag* nga ang may-ari nito. Pasimple siyang tumingin sa palagid at inabot niya ang bag niya na nakasukbit sa balikat niya at binuksan ang maliit na bulsa ng bag niya at may kinuhang pentel pen sa bag niya. Kinagat niya ang takip ng pentel pen at may sinulat siya sa kotse nito na kinangisi niya. Nang matapos na niya ay agad niyang sinilid sa bag ang pentel pen at pasimpleng lumayo sa kotse at naglakad na tila walang ginawang kakaiba. Lumakad na siya patungo sa hallway at nakikita niya ang mapanuring mga mata na tila isa siyang alien. Hindi na niya pinansin 'yon at hinanap niya kung saan ang room niya. Binuklat niya ang papel para malaman kung anong room ba siya nilagay. Kakaboklat pa lang niya nang mabigla siya ng maramdaman niya ang pagtama sa isang matigas na bagay at napahawak siya sa noo dahil nagkatamaan pa sila ng noo. May naapakan siya ngunit wala skyang pakialam doon dahil ang sakit ng noo niya. "What the f**k! Are you nuts?!" bulyaw sa kanya ng isang lalake kaya nag-angat siya ng tingin at sumalubong sa kanya ang isang lalake na may gwapo ngunit napakasungit ng hilatsa ng mukha. Medyo mahaba ang buhok nito na sakto lang naman dahil kita ang noo at tenga nito. Nakataas ang buhok nito na kung may mahuhulog na butiki ay baka natusok. Lalagpasan na sana niya ito dahil wala siya sa mood makipag-usap, ngunit napikon siya ng hilahin nito ang braso niya para bumalik siya sa harap nito. Mariin ang pagkakahawak habang nanginginig pa sa galit ang kalamnan nito. Damang dama niya dahil nga nakahawak ito sa braso niya. "'Wag mo akong tatalikuran, kung ayaw mong samain." mariin nitong sabi na kinabagot lang niya ng tingin rito. "Oh, ano bang iniiyak mo?" walang emosyon niyang tanong na kinatiim-bagang nito at mas humigpit pa ang hawak nito sa braso niya. "Hindi mo ba alam kung magkano ang shades na tinapakan mo? Baka kulang pa ang buhay mo sa presyo n'yan." nanggigigil nitong sabi sa inis. Tumingin siya sa sahig at nakita nga niya ang shades nito na basag ang salamin at naputol sa gitna ang tangkay. "Tsk. Nasa lilim naman kasi nagsusuot pa ng salamin." bulong niya. "Anong sabi mo?" galit nitong tanong na tila umabot sa pandinig nito ang sinabi niya. Pasimple siyang ngumiwi dahil ang sakit na ng pagkakahawak nito. Kaya naman tinulak niya ang dibdib nito na napalakas kaya napaupo ito sa sahig na gulat na gulat. "'Wag kang mag-alala, papalitan ko itong shades mo na mahal pa sa akin. Baka kasi mamatay ka dahil sa pinakamamahal mong salamin." sarkastiko niyang sabi at niluhod ang isang tuhod at pinulot ang shade nitong sira na. Saka siya tumayo at nilagpasan na ito. "Hoy! Bumalik ka rito, tomboy!" gigil na sigaw ni Diesel at nagdadabog na tumayo habang inis na pinagpag ang pantalon at kamay. "Bro, aayusin naman daw. Hayaan muna, 'wag ka nang makipag-away." awat ni Sandro sa kanya kaya hinawi niya ang kamay nito. "Hayaan? Importante sa akin ang shade na 'yon. Kaya bakit ko hahayaan? Kahit babae siya ay papatulan ko siya. Ang angas, akala mo may binatbat." banas na banas na sabi ni Diesel at nag-walk-out. "Anong tinitingin tingin n'yo?" baling niya sa mga usiserong mga estudyante na nagpanggap na sa iba mga nakatingin. Napailing ang anim habang nakasunod ang tingin kay Diesel na badtrip na badtrip. "Sino ba 'yung babaeng 'yon? Parang ngayon ko lang nakita?" si Jin. "Baka transferee. Sabi ni Dad may bago raw transfer student ngayon." si Benedict. Napatango si Sandro at tumingin sa dinaanan ng babae. Napangiti siya dahil ang astig nung babae. Ngayon lang niya nakita na may tumapat kay Diesel. "I saw something she did." sabi ni Michael kaya napalingon sila rito na tila nasa malalim na pag-iisip. "Ano naman 'yon?" si Ralph. "Hindi ko pa alam. Baka nagkakamali lang ako." sabi nito kaya napatango sila. "Tara, sundan natin si Ron, baka nagwawala na 'yon." aya ni Sandro kaya napatango lahat at naglakad na para puntahan si Diesel sa special room na para lang sa kanila. ~ "BWISIT! Bwisit! Hindi lang pala ang may-ari ng kotseng dilaw ang gag* sa school na ito. Mayroon pa palang mas gag* pa. Namaga pa ata ito." sabi ni Akina na kinakausap ang sarili habang narito siya sa isang C.R na nakita niya. "Oh! Look, who's here?" Napalingon siya sa mga babae na pumasok sa C.R. Sinara ng mga ito ang pinto at pinaikutan siya. Hindi na niya pinansin ang mga ito at sinilid na ang ointment sa bag na mabuti at dala niya. Mabilis kasi siyang magka-rashes 'pag masyadong napapahigpit ang gapos sa balat niya, kaya 'yon pulang pula at bakat na bakat pa ang kamay nung lalakeng nakabangga niya. Hahakbang na sana siya paalis ng harangan siya ng mataray ang mukha na babae at tinulak siya kaya napaatras lang siya. Tinignan niya ito ng walang emosyon. "Anong kailangan n'yo?" seryoso niyang tanong na kinahalakhak nito. "Napabarumbado pala ng babaeng ito. Poor her." sabi nito. Hindi siya umimik at tinignan lang ito. "Amanda, she's boyish. Baka manapak 'yan." sabi ng kasama nito. "Baka nga. Anyway, 'wag kang papansin sa Bangtan. Sinasadya mong banggain si Diesel para mapansin ka." sabi nito sa kanya na kinangisi niya. "So, Diesel pala ang pangalan ng ugok na 'yon. I see." aniya sa isip at tumingin sa babaeng inakusahan siya. "Miss, kung ano man ang bangtan na 'yon ay hindi ko sila kilala at wala akong pakialam sa kanila. Kaya bakit ako magpapansin para mapansin nila? At itong itsura ko pa talaga ang kinaiinggitan n'yo? Gusto n'yo ng sapak?" sabi niya rito na kinairap nito. "Let's go, Girls. Nakakababa lang na kausapin ang tulad niyang tao." sabi nito at nag-flip pa ng hair bago siya talikuran. Ibig niyang mapahalakhak ng mapaupo ito dahil nadulas sa sahig na agad namang dinaluhan ng mga maaarteng friend nito. Ang taas kasi ng takong tapos ang iiksi ng uniform. "Argh!" tili nito at diring diri na nagpapadyak ng paa habang panay ang pagpag ng mga friend nito sa skirt nito. Tumingin ito sa kanya at umirap bago nagdadabog na umalis ng C.R. Napailing siya at napahinga siya ng malalim dahil first day pa lang ay marami na agad siyang nakabangga. Akala niya mga banal ang mga estudyante rito. Naniniwala na talaga siya na 'wag mag-e-expect kung ayaw mong ma-disappoint. "I think. This is the hell day for me." aniya at napahinga ng malalim bago umalis sa pagkakahawak sa lababo at naglakad na palabas ng C.R. Hinanap niya ang room niya at ngayon ay sa daan na siya nakatingin dahil baka may mabangga na naman siya. Nang makita niya ang room niya ay humarap siya sa pintuan na sarado at kumatok. Bumukas naman agad ang pinto ngunit sa marahas na pagbukas. Sumalubong sa kanya ang mabangis na mukha ng isang lalake na tila bad mood. "Sino ka? Istorbo ka sa klase!" bulyaw nito sa kanya na tila kinatulig ng tenga niya. "I'm the new student here. Sorry, I'm late." sabi niya na wala lang sa kanya ang pagkasungit nito. "Wow! New student? Kami pa mag-a-adjust sa iyo gano'n? Alam mo naman siguro ang time ng pasok?" maanghang nitong sabi na tila tanga-tanga siya kaya lihim siyang napaasik sa isip. "Yes, and I have five second left before your class." sabi niya rito na kinakunot ng noo nito. Tumingin ito sa wrist watch at tumingin sa kanya bago padabog na binuksan ng maluwag ang pinto. "Pasok. Sa susunod ay 'wag mo akong sasagutin na tila wala kang modo." pahabol pa nitong sabi. "Papasok na lang ang dami pang satsat ng Prof na ito." aniya sa isip. Napatingin siya sa magiging classmate niya na mga nakayuko tila takot na takot sa Prof nila. Lumakad siya palapit sa gitna kung saan may bakante sa tabi ng babae. Naupo siya at nilapag ang bag sa arm chair. "Ano, Papa? May sagot ka na sa tanong ko?" walang modong tanong ng prof nila sa lalakeng naabutan niyang nakatayo. "Ah.. Sir, pass po muna. Nakalimutan ko na po kasi." Alanganin nitong sabi na napapayuko. "'Yan! 'Yan ang hirap sa inyo. Mga nag-aaral pero wala namang natututunan. Sayang lang ang pagdakdak ng Professor n'yo noon, wala naman palang laman ang mga utak." lait nito. Nagdadabog na kinuha ng Prof ang folder at librong nakapatong sa desk nito at tinignan ang lahat na tila may pagbabanta. "Mamaya, oras na wala kayong masagot sa tanong ko, ibabagsak ko agad kayo." banta nito at nag-martsa palabas. Tila naman nakahinga ng maluwag ang mga kaklase niya ng makalabas ang Prof nila. "Hay! Nakakatakot talaga si Sir Rowen." bulong ng babaeng katabi niya. "Hi, girl." bati nung bading na nakatayo kanina na pinapasagot kanina nung Sir Rowen daw. Tipid lang siyang ngumiti rito at humalukipkip siya na tumingin sa white board. "Grabe ang astig mo. Nakaya mong ipahiya si Sir." manghang mangha na sabi ng babaeng katabi niya. "Syunga ka talaga, Mina. Dahil nga sa kanya kaya lalong naging dragon na bumubuga si Sir." sabi ng isang lalake. "Maka-syunga ka naman, Rex." sabi ng bakla, "Hindi syunga si Mina, aanga-anga lang. Mabuti na lang maganda at may Jin pa." pagpapatuloy nung bakla. "Anyway, Hi, I'm Briones Papa." pakilala sa kanya nung bakla kaya tumango lang siya. "Ako naman si Mina Kim." nakangiting sabi nung babaeng katabi niya kaya tipid lang siyang ngumiti. "Ako naman si Rex Sol." "Ikaw, sino ka?" tanong ni Mina na nakapalumbaba pa. Kikay ang pormahan nito at all pink ang outfit. "I'm Akina..I mean I'm Jhaycee Akina Flores." tipid niyang pakilala. "Oh, Jhaycee. Sabagay, bagay sa iyo. Alam n'yo bagay tayong maging friends." sabi ni Briones na tila may napagtanto. "Ano naman?" si Mina. "Lalake ka (Rex), Bakla ako (turo nito sa sarili). Ikaw naman Mina ay babae at last, ikaw Jhaycee ay tomboy naman. Girl, Boy, Bakla, Tomboy lang ang peg." sabi ni Briones. "Oo nga noh. Ang unique natin. Kaya simula ngayon ay best friend muna kami Jhaycee." tuwang tuwa na sabi ni Mina at humawak sa braso niya. Inalis niya ang kamay nito. "Ayoko, humanap na lang kayo ng iba." walang gana niyang sabi at dumukdok sa bag. "Bahala ka, basta best friend na tayong apat. Yehey! May new friend na naman ako." sabi ni Mina. "Lokaret ka talaga, Mina. Nagtataka talaga ako kung paano nagkagusto sa iyo si Jin." dinig niyang sabi ni Briones. "Ane be keyo. Kenekeleg ake." pabebeng sabi ni Mina na kinangisi niya at sa isip ay napapailing siya. "Ay! Ang landi! Tigilan mo ako sa pagpapabebe mo, Mina, baka samain ka sa akin." sabi ni Briones kaya pumikit siya at hindi na lang pinansin ang mga ito. ~ MALAKAS na sinuntok ni Diesel ang punching bag na nasa loob ng special room nila. Kung saan sila tumatambay ng grupo 'pag vacant time. Nanlilisik ang mga mata niya habang na-i-imagine ang mukha ng tomboy na nakabangga niya. "Ron, tama na 'yan. Alam naman namin na mahalaga sa iyo ang shades na 'yon, pero hindi muna sana pinatulan ang babae. Papalitan naman daw." sabi ni Sandro. Kaya malakas na sinuntok ni Diesel ang punching bag at humarap kay Sandro na nakaupo sa sofa habang katabi ang lima. "Bakit hindi ko papatulan? Mukha naman siyang lalake kaysa babae. At 'wag mo akong pigilan sa nais kong gawin sa babaeng 'yon. Apakan na niya ang lahat, 'wag lang 'yon." gigil at galit niyang sabi kay Sandro. "Boss." Napalingon sila sa pinto ng may kumatok kaya tumayo si Ralph at binuksan ang pinto. May dalawang estudyanteng lalake at si Diesel ang sadya. "Nagawa n'yo ba?" maawtoridad na tanong ni Diesel habang hinuhubad ang punching gloves niya. "Oo, boss. Naipakalat na namin ang gagawing pagpapahirap sa babae." sabi ng mga ito na tila ginagalang si Diesel. "Okay, makakaalis na kayo." sabi niya lang sa mga ito na napapahiyang umalis agad kaya sinara na ni Ralph ang pinto. Napailing ang bangtan dahil umiral na naman ang pagkapatol ni Diesel. Naaawa sila sa babae dahil tiyak na hindi na ito titigilan ng mga estudyante at ni Diesel. ~ "KILALA mo ba ang Bangtan Boys, Jhaycee?" tanong ni Mina kay Akina na nakalumbaba habang naghihintay ng sunod na Prof. nila. "Hindi." nababagot niyang tugon at pinaikot ikot ang wire ng ear phone niya. "Naku, dapat mong makilala sila at iwasan mo na rin. Lalo na si Diesel." sabi nito kaya bumaling siya rito na kinaluwang ng ngiti nito. Paano, kanina pa nito kinukuha ang atensyon niya, at nakuha nga nito dahil sa huling babala nito. "Bakit ko naman sila kailangang iwasan?" curious inyang tanong. "Ako na ang magpapakilala sa bangtan, masyado kang bias, Mina." sabi ni Briones kaya napatingin siya rito na nakaupo sa kabilang arm chair sa tapat ni Mina. "Anyway, ang bangtan ay isang sikat na boy group rito sa buong isla ng Bf Island at sa ibang karatig na isla. Sila ang gwapo na at totaly performers pa. Magaling sila sa dance at singing. At marami silang fans dito lalo na ang mga girls." panimula ni Briones kaya sumandal siya back rest ng upuan niya at tumingin sa bintana, "Si Benedict Lee ay isang successor ng wine company at isa ring board member ang Dad niya rito sa WCU. Mabait 'yon at palaging palangiti. Si Michael Rosz ay isa namang anak ng Fil-am businessman na si Philip Rosz--yung tanyag na negosyante na may ari ng gas station sa buong bansa. At mag-iingat ka kay Michael dahil matinik sa girls 'yon at f**k boy pa. Bawat araw ay iba-iba ang girlfriend." paalalanan nito ng sabihin ang ugali nung michael. Wala naman siyang pakialam, dahil hindi rin naman niya nais na makilala ang kinukwento nito. "Si Jack Bernardo naman ay tahimik at masungit. He hate flirty girls, bad girls, and not so smart girl. Anak siya ng isang haciendero na kinabubuhay ng pamilya niya ay ang pagtatanim ng iba't-ibang uri ng bulaklak. Kahit gano'n ang work ng parents niya ay mayaman sila dahil marami silang lupa sa probinsya. " Napahinga siya ng malalim dahil nababagot lang siya sa kinukwento nito. "Si Jin Tan naman ay isang half chinese at half pinoy. Isang Pianist ang Dad niya na sikat na manunugtog sa pilipinas o sa ibang bansa. Habang ang Mom niya ay isang doctor. At in love rito kay Mina na mahabang ang buhok." Napatingin siya kay Mina na namumula ang pisngi tila kinikilig. Napailing siya dahil kabaduyan talaga ang mga ganyan sa kanya. "Si Ralph Libarra ay ang pinaka-cute sa kanila. Mabait naman sa mga kapwa estudyante at laging nagshe-share 'pag may pagkain. Isang chef ang Dad niya sa sariling business nilang fine dinning restaurant. Wala na ang Mom niya na bata pa lang ata ay pumanaw na. Kaya sila na lang ng Dad niya ang naiwan." Nagpaypay si Briones at napatakip ng bibig na hindi niya malaman kung bakit. "Ihhh! Wait, kinikilig ako sa susunod kong ipapakilala." sabi nito kaya napailing siya at napahinga ng malalim dahil bakit ba siya nakikinig? Well, siguro dahil sa Diesel na nakabangga niya na ewan niya kung bakit hangang hanga ang mga estudyante sa lalakeng iyon. "Umayos ka nga, Briones. Naiinip na sa iyo si Jhaycee." sabi ni Rex. "Asus! Jealous much ka lang, Papa Rex." sabi ni Briones at kumapit sa braso ni Rex na agad tinanggal tila nandidiri. "Eww! Tumigil ka nga at baka samain ka sa akin." banta ni Rex. "Eto naman hindi mabiro." nakangusong sabi ni Briones at tumingin muli sa kanya bago tumikim. "Ang gentleman and campus crush na si Sandro Cojuanco. Isang student president at serious type man. Marami ring nagkaka-crush kay Sandro dahil nga sa mabait na, gentleman pa sa girls. Isang chief officer ng kapulisan ang Dad niya na super strict din at isang may bahay naman ang Mom niya pero sucessor ng isang sikat na hotel sa bansa. Wala pa naman ako nababalitaan na girlfriend niya, kaya ina-assume ko na wala siyang girlfriend." kilig na kilig nitong sabi. "Tapos na ba? Maaari na ba akong matahimik?" bagot na bagot niyang sabi. "Hindi pa, mayroon pang isa na dapat mong malaman at dapat mong iwasan." "Sino naman 'yon?" walang gana niyang tanong, kahit alam na niya kung sino. 'Yung Diesel na lang naman ang hindi pa nito naipapakilala. "Edi sino pa, ang may sikat na pamilya rito sa BF island at lahat ata ng business ay mayroon sila. Pagmamay-ari ng parents niya ang buong isla at lahaaaat ng makikita mong establisyamento rito ay pagmamay-ari nila. Bukod pa 'yung sa maynila at ibang lugar. At may mga hot brothers rin siya at gorgeous one sister. At take note: handsome and gorgeous din ang parents niya. Wala kang maiitapon sa pamilya nila. Pero dapat mong iwasan siya dahil kahit lalake o mapababae man ay wala siyang sinasanto. Papatulan at papatulan ka niya 'pag napikon mo siya. Isang tekwondo expert din siya at mahilig sa wrestling at boxing. Siya ang pinaka-leader ng grupo... Walang iba kundi si Diesel Aaron Ford." Bigla ay sumagi sa isip niya ang hambog na lalakeng kaskasero at nanlaki ang mga mata niya ng maalala ang kotse na sinulatan niya gamit ng pentel. May ford sa plate number ng sasakyan nito. "Teka, 'yung ford plate number ba ay talagang marami rito sa iba't-ibang sasakyan sa pilipinas?" Umiling ang tatlo at hindi maunawaan kung bakit niya tinatanong 'yon. "Hindi, Jhaycee. Dahil ang mga Ford lang ang may special na plaka sa bansa. At 'pag nakita mo ang dilaw na lamborghini sa pitong sasakyan na magkakasunod na pumasok rito ay 'yon ang pagmamay-ari ni Diesel. Teka, alam muna 'yon?" Tipid siyang umiling at napangisi siya dahil iisa lang pala ang gag*ng kaskasero at hambog na lalake na pumapatol sa babae. "Hindi naman, sabihin na lang natin may atraso sa akin ang may plakang 'yon." sabi niya at pinasak na ang ear phone sa tenga niya at pumikit. Tila may napasok na siyang gulo at hindi niya alam kung anong mangyayari sa kanya rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD