NATHANIEL Nakangiti ako habang pinagmasdan ang mapayapa at mahimbing na pagtulog ni Yell. Nanggigil talaga ako sa kanyang katawan kaya hindi ko mapigilan ang aking sarili at ilang ulit ko siyang inangkin. Mabuti nalang hindi siya mahimatay at nagpaubaya sa akin. Nagtampo talaga ako sa kanya kanina sa kanyang mga sinabi. Para kasing wala siyang tiwala sa akin. Na parang pinamukha niya sa akin na hindi ako mapagkatiwalaan. Marami akong babae na nakasama nuon. Pero ibang-iba si Yell sa kanila. Kahit isang buwan ko pa lang siyang nakilala sigurado na talaga ako, na siya ang gusto ko'ng makasama habang buhay. Kaya aayusin ko muna ang mga dapat ayusin sa Manila. Para pagbalik ko dito, pakasalan ko na siya kaagad. Kakausapin ko din si Mommy at Daddy tungkol kay Yell. Para mapa kilala ko din si

