YELL "Ma'am may naghahanap po sa inyo sa labas." Napatigil ako sa aking ginagawa sa sinabi ni Silka. Isang buwan mula nang kinasal kami ni Nathaniel lumipat na kami sa aming bahay. Dito lang din malapit sa bahay namin ng mga kapatid ko. Binili ni Nathaniel ang bakanteng lupa saka kaagad na pinatayuan ng bahay. Naging masaya ang pagsasama naming dalawa kasama si Junior. Ngayon kami lang ni Silka dahil magkasama ang mag-ama ko at si Rex pumunta ng palengke dahil may pinabili ako'ng sangkap sa aking lulutuin para sa lunch namin. Sakto kanina na nandito si Rex kaya sumama muna siya kay Nathaniel. Wala si Lux dahil umuwi muna sa kanilang probinsya dahil kasal ng kanyang kapatid. Gusto pa nga sana kumuha pa ni Nathaniel ng isa pang kasama namin pero sinabi ko na okay na si Silka at Lux muna. B

