THIRD PERSON Nang makaupo si Nathaniel sa loob ng eroplano parang hindi na siya mapakali. Parang gusto niya nang sabihin sa piloto na paliparin na ang eroplano. Pero dahil may mga pasahero pa na pumapasok. Pumipikit nalang siya ng kanyang mga mata para maghintay mag take off ang eroplano. Maya-maya narinig niya na , na nagsalita nang flight attendant na ready na for take off. Malakas na bumuntong hininga si Nathaniel habang nakapikit parin. Hanggang sa naramdaman niya nang gumalaw na ang eroplano tanda na lumipad na sa himpapawid. "Misis ko, baby ko! Malapit na ako." Usal ni Nathaniel. Excited siya na kinakabahan. Excited siyang makita ang kanyang mag-ina. Kinakabahan siya na baka galit sa kanya si Yell. Maraming pumapasok sa kanyang isipan habang nasa himpapawid sila. Pero naisip niy

