NATHANIEL Pagbalik ko sa loob ng opisina ni Yell mahimbing pa rin ito'ng natutulog. Kaya nilagay ko muna ang dala ko'ng pagkain sa maliit na mesa. Hinawakan ko ang kanyang noo normal naman ang init ng kanyang katawan kaya nawala ang kaba na naramdaman ko kanina. Hinaplos ko sa siya kanyang noo at humiga sa kanyang tabi. Pinaunan ko ang kanyang ulo sa aking braso saka niyakap siya. "I'm sorry Love. I love you. Sana hindi ka magalit mamaya kapag nagising ka." Kausap ko sa kanya habang hinaplos ang kanyang buhok. Nakaramdam din ako ng antok kaya habang yakap ko si Yell hindi ko namalayan na napahimbing na rin pala ang aking tulog. Ngunit nagising ako dahil parang gumagalaw ang kama. Pagmulat ng mata ko, basa ng pawis ang buong mukha ni Yell habang nanginginig. Sobrang init din ng kanyang ka

