Hindi ko na namalayan ang oras at nakatulog pala ako..pagkakita ko sa aking cellphone ay mag-aalas singko pa lang ng umaga.
Naisip ko ng gumayak pauwi sa amin..hindi ko na siguro mahihintay pa si Tin na siguradong tatanghaliin ng gising.
"Naisakatuparan kaya niya ang ultimate gift niya para kay Jeff?" naitanong ko bigla sa sarili ko ng maalala ko si Tin.
Masakit ang ulo ko at mabigat ang katawan ko pero pinilit kong maligo at gumayak.
Bago ko lisanin ang kwarto ay nag-iwan ako ng note kay Tin. Pagbukas ko ng pinto ay may nakita akong plastic na nakasabit sa doorknob. May sticky note iyon at nakalagay lamang ay "To: Ella". Pagtingin ko sa loob ay mayroon itong laman na 1 bottled water, biscuit at ilang gamot gaya ng paracetamol.
"How thoughtful naman.." saad ko sa sarili ko,thinking na si Tin ang may gawa non. Kinuha ko ang mga iyon at isiniksik sa aking backpack.
Tahimik ang paligid at mababakas ang saya at g**o ng nagdaang gabi dahil sa mga upuan na nagkalat at di maayos at sa mga natirang pagkain at inumin.
"Good morning ma'am" bati ng guard sa akin.
"Good morning po kuya!" bati ko din
"Makiki-log na lang po ang name at time out.." sabay abot sa akin ng logbook at ballpen ni kuya guard
"Ang aga po ninyo magising ah, sigurado ako yung mga kasama ninyo baka maka-pananghali na magsisipag gising.." dagdag kwento ni kuya guard habang nagpi-fill up ako.
"Kaya nga po, anong oras po ba natapos ang party? Nauna na kasi ako natulog.." katwiran ko
"Naku! Pasado alas-tres na eh may mga nag-iinuman pa din. Pagkatapos ng g**o na nangyari.. tuloy-tuloy ang saya..Hindi mo na ba naabutan yung away ng mga babae?" energetic na kwento ni kuya guard.
"Akala mo may eksena sa pelikula...yung girlfriend talagang galit na galit. Mabuti na lamang ay naawat ng mga kasamahan, kung hindi baka nasaktan ng maigi yung isang babae na kahalikan ng boyfriend niya.."
"Mga kabataan talaga..yung lalake naman, hindi mo maintindihan bakit nakuha pang maghanap sa iba..eh mas hamak naman na maganda at sexy yung girlfriend niya kumpara doon sa kahalikan niya.." patuloy na kwento ni kuya guard.
Sa mga huling sinabi ni kuya guard ay guilty ako at the same time ay nasasaktan talaga ako. Mukhang sampal sa mukha ko ang bawat kataga na iyon..
"Ano kaya ang mukhang ihaharap ko..? Kapag may nakaalam ng nangyari sa amin ni Brian.. siguradong pag-uusapan ako ng mga classmates ko..kamumuhian ako ng mga kakilala nina Sheena at Brian at baka pati kaibigan ko ay layuan ako" naririnig kong usig ng konsensiya ko.
Pwede ko bang isisi sa alak ang lahat? Kung sinunod ko lang ang bilin ng mga magulang ko na huwag ng uminom, eh di sana wala akong pinagdadaanan na kagaya nito ngayon..Pero walang dapat sisihin dito kundi ang sarili ko..Sa bugso ng damdamin ko, nakalimutan kong gamitin ang utak ko.
Ang bilis naman yata ng karma sa simpleng pagsuway ko. May nalalaman pa akong "making a wish sa shooting star"...pero distraction naman ang inaatupag ko..Konting sandali lang nawala na ang focus ko.
"Haist" buntong hininga ko..
Pakiramdam ko mas lalong sumakit ang ulo ko
"Ok ka lang ba Miss?" tanong sa akin ni kuya guard.
"Ok lang po, puyat lang po at tsaka uminom din kasi ako kagabi.." inform ko
"Sige po kuya guard mauna na po ako.." paalam ko at naglakad na ako paalis.
"Ingat ka Miss, diyan lang sa kabilang block yung sakayan palabas.." habol na sabi ni kuya guard.
Halos maliwanag na din naman kaya malakas na din ang loob kong maglakad mag-isa. Gusto ko ng makauwi at makalayo na agad sa lugar na ito.
Mabilis ang biyahe pauwi sa amin dahil maaga pa. Nagmano at kiss lang ako sa nanay at tatay, pumanik na agad ako sa aking kwarto. Wala akong gana kumain, ang gusto ko lang ay matulog maghapon.
Ngunit tuwing pipikit ang aking mga mata, mukha ni Brian ang aking nakikita..at parang nararamdaman ko pa ang init ng mga labi niya.
"My God Ella! yung sinful moment pa din na yan ang tumatakbo sa isip mo?" sita ko sa aking sarili.
"Grrrr! Pagdadabog ko sa unan..! Dapat itigil ko na itong kabaliwan kong ito..hindi ito tama para sa pag-aaral ko, hindi ito fair para kay Sheena at mas lalong hindi ito makabubuti para sa sarili ko"
"Gising Ella--- ang landi mo! s**t ka Brian! kahit alam mo naman na may girlfriend ka nanghahalik ka pa ng ibang babae! At ako naman si tanga, pumayag na lang basta! " hiyaw ko sa ilalim ng unan ko. Ayoko kasi na marinig ako ng aking mga magulang.
Natatakot ako na mahusgahan dahil alam ko na mali talaga ang nagawa ko... kaya feeling ko wala akong lakas ng loob na i-share itong frustrations, regret at kahihiyan na nararanasan ko..
For the very first time, nawala ang pagiging madiskarte ko sa pag-solve ng problema.. Ganito ba talaga kapag feelings na ang involve..nagiging unreasonable na ang isang tao..Pero hindi yata ako makapapayag...
"Kumalma ka Ella..hindi pa katapusan ng mundo! Nakainom kayo pareho, kaya hindi niyo alam ang ginagawa ninyo.." console ko sa aking sarili.
From that thought, nakaisip ako ng isang magandang excuse upang balewalain ang nangyari..
"Isipin ko na lang na wala akong naaalala sa gabing iyon, tutal kami lang ni Brian ang nakakaalam sa mga naganap between us. Kaya ko pa -isave ang face ko at dignidad ko bilang babae.." dagdag comfort ko sa aking sarili.
Dahil sa tingin ko valid ang idea ko, natawa na lang ako mag-isa.
"s**t! Nababaliw na yata talaga ako! Simpleng halik lang yun, ginagawa ko kasing big deal! Ella, cheer-up!"
tuloy-tuloy na pakikipag debate ko sa aking sarili.
I made up my mind..instead na magdwell ako sa mga nangyari na hindi na maibabalik pa...i-build ko na lang ang carefree spirit ko at voila tapos na ang problema..
"Kasalanan iyon kung itutuloy ko ang naumpisahan namin ni Brian behind Sheena's back and definitely, hindi na iyon mangyayari ulit. I will consider it as fun part like games ng isang party ang kagaya ng namagitan sa amin ni Brian.
That's right and that's all! No biggie issue.."
And for the record, I will absolutely charge it to experience ang namagitan sa amin ni Brian--- a bittersweet one!