Emory Ace POV Nasa sasakyan kami ngayon pauwi daw sa bahay niya wala akong magawa dahil utos niya 'yon. tahimik lang akong naka sandal sa bintana ng sasakyan at naka pikit. ayaw ko siyang kausapin dahil sa nangyari kanina. Tahimik lang din siyang nagmamaniho pero ramdam ko ang mga pasulyap niyang mga tingin sa akin pero pinabayaan ko lang ito. Naramdaman kong tumigil ang sasakyan namin, nag mulat ako ng mata nakita kong nasa harapan kami ng isang mansyon bigla akong naka ramdam ng pangungulila at lungkot dahil sa bahay na'to. Bumaba siya at pinag buksan ako ng pintuan kaya bumaba na ako at sumunod sa kanya papasok. Pag pasok na pagpasok namin ay may sumalobung sakanyang babae. “Moon bakit ngayon ka lang alam mo bang pinuntahan kita sa opisina mo pati kay Emerson pero hindi naman niya

