MEDYO nahihilo pa si Luna nang magmulat siya ng mga mata. Bumungad sa kanya ang nag-aalalang mukha ni Seymor at puti na paligid. She can guess that they are in the hospital. “W-what happened?” tanong niya sa asawa. “You passed out on the road. Sobrang nag-alala ako kaya dinala kita sa ospital.” “Ano ang sabi ng Doctor?” “They tested you a while ago. Baka mamaya ay bumalik na rin iyon. Kumusta na ang pakiramdam mo?” “O-okay naman. Medyo nahihilo pa rin pero feeling ko ay kaya ko ng i-manage.” Niyakap siya ni Seymor. Nanginginig ito. “You really made me worried.” “I’m sorry. Let’s just hope it’s not so bad…” Tumango si Seymor. Dumating naman ang Doctor. Tumingin ito sa kanya at ngumiti. Ki

