MAAGANG naggising si Luna kaya naisipan muna niya na magtrabaho. Masyado pa rin kasing maaga para ipagluto niya ng almusal ang asawa. Dahil sa mga nakalipas na araw ay medyo naging abala siya kaya natatambakan siya ng trabaho. Inunang tapusin ni Luna ang mga natambak na trabaho. Puwede naman niya iyong gawin sa cell phone kaya hindi siya nahirapan. Nang matapos siya ay tinignan naman niya ang schedule niya. Maluwag ang schedule niya ngayong araw kaya puwede pala siya na pumasok ng late. Hindi niya sigurado kay Seymor pero ramdam naman niya na willing ito na mag-adjust sa lahat ng gusto niya. Bumangon na si Luna ng kama. Thirty minutes before the usual time ng gising ni Seymor pero inisip pa rin niya na magluto ng pagkain na mas matagal na lutuin. Mabuti na lang at

