NAKA-DALAWANG missed calls na si Luna nang sumagot si Seymor. Sinamahan kasi niya na bumalik sa ospital ang Mama niya at dahil gusto rin niyang mag-concentrate sa sinasabi ng Doctor rito ay naka-silent ang cell phone niya. Tinignan lang niya ang cell phone nang maihatid niya pabalik sa bahay ang Mama niya. Nasa out of town business trip pa rin kasi ang Daddy niya at bilang solo na anak, siya lang ang maasahan na mag-aasikaso sa kanyang ina. Hindi man ito na-confine dahil sa mataas na blood pressure ay in-advise ito ng Doctor na bumalik pagkatapos ng ilang araw simula nang isugod niya ito. Okay na naman ngayon ang Mama niya. Kaya nga lang, maraming precautions na sinabi rito ang Doctor para hindi na maulit ang nangyari. Bilang anak rin ay responsibilidad niya na i-monitor na susunod ang ina

